Balita

Diarrhea outbreak: Kinailanga­ng magdeklara ng state of emergency sa isang bayan sa Palawan

-

NASA ilalim na ngayon ng state of emergency ang munisipali­dad ng Quezon sa katimugang Palawan dahil sa diarrhea outbreak na dulot ng kontaminad­ong pinagkukun­an ng inuming tubig.

Kinumpirma ni Dr. Allan Paciones, ng Quezon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na apat na katao na ang namatay dahil sa outbreak.

Aniya, ang dalawang nasawi ay nagmula sa Barangay Malatgao, at tig-isa mula sa mga barangay ng Alfonso XIII at Pinaglaban­an.

Sinabi ni Paciones na nagsagawa ng water sampling tests ang Regional Epidemiolo­gy Surveillan­ce Unit (RESU) ng Department of Health (DoH), at nagkasakit ng malalang gastroente­ritis ang apat na taga-Quezon.

Sa Bgy. Pinaglaban­an, kung saan pinaniniwa­laang nagmula ang outbreak, ang mga kasong naitala ay mga menor de edad kumpara sa Bgy. Alfonso XIII at Bgy. Malatgao, kung saan dalawa ang binawian ng buhay, ani Paciones.

Dagdag pa niya, nahawa ang ibang mga tao mula sa nakukuhang bacteria mula sa ibang tao sa Pinaglaban­an, hindi gaya sa ibang mga barangay, kung saan ang mga residente ay dumumi malapit sa mga pinagkukun­an ng tubig.

“Residents may have discharged waste matter near the water sources, and because it is raining, the bacteria flowed to our water system,” aniya.

Ang gastroente­ritis ay impeksiyon sa tiyan at sa bituka, na sanhi ng mga bacterial toxins o viral infection, na nagdudulot ng pagsusuka at pagtatae, paliwanag ni Paciones.

“Although we now have less recorded cases compared in July and August due to the conduct of mass treatment, we continue to warn residents of Quezon against drinking water without boiling it first or treating with Aquatabs,” aniya.

Idinagdag pa ni Paciones na kahit ang mga purified water refilling station ay napag-alamang kontaminad­o ng bacteria, habang inaalam pa ng RESU kung anong uri ng bacteria ito, sa tulong ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

“The RESU will send samples to the RITM to determine what type of bacteria it is, and after a week we will know,” saad ni Paciones.

Bukod sa malawakang gamutan, kabilang ang decontamin­ation ng mga pinagkukun­an ng tubig, at pamumudmod ng purificati­on tablets gaya ng Aquatabs, nagsasagaw­a na rin ang lokal na pamahalaan ng awareness at daily monitoring ng mga kaso.

Noong Setyembre 8, bumaba na ang kaso mula sa 727 patungong 199, at kung magpapatul­oy ang pagbaba ng mga kaso, aalisin na sa bayan ng Quezon ang deklarasyo­n ng state of emergency sa kalamidad, aniya.

“Since the declaratio­n of state of emergency last week, a fund of PHP250,000 had been released for our use to solve the health issue. If the downtrend doesn’t remain that way, we will declare a state of calamity as we were told the only solution for now is to have residents drink bottled water,” lahad ng hepe ng MDRRMO.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines