Balita

Martial law, ayaw ng mga Pinoy

- Bert de Guzman

PINATUNAYA­N ng malalaking rally at protest actions ng mga mamamayan, kabilang ang mga milenyal (kabataan), na ayaw na nila ng martial law na naranasan ng may 37 milyong Pilipino noong 1972 nang ideklara ito ni ex-Pres. Ferdinand Marcos. Nagawang takutin ni Apo Macoy ang mga mamamayan noon sapagkat hawak niya ang military sa ilalim ni AFP chief of staff Gen. Fabian Ver.

Noon lang nakaranas ang sambayanan­g Pilipino ng batas-militar o martial law. Ipinakulon­g ni FM ang mga lider-oposisyon, sinupil ang pagsibol ng kabataan, ikinandado ang Kongreso, naging inutil ang Supreme Court, ipinadlock ang mga tanggapan ng media (print, radio at TV) at sinarhan ang bibig ng malayang pamamahaya­g.

Para sa mga raliyista na nagtipun- tipon sa Luneta at iba’t ibang lugar sa bansa noong Setyembre 21, ika-45 anibersary­o ng martial law-ala-Marcos, ayaw na nilang maulit pa ang mapait na kabanata sa buhay ng mga Pinoy noong 1972. Ipinaalam at ipinadama nila ito kay President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) nang sa halip na kulay-dilaw o yellow ribbons ang nakita sa mga rally, ito ay napalitan ng kulay-itim at kulay-pula, mga kulay na simbolo ng protesta sa umano’y extrajudic­ial killings at tendensiya na ibalik ang ML. Nais ng mga raliyista at protesters na manatili ang pangangala­ga sa demokrasya, civil liberties at kalayaan sa takot.

Ipinamalas ng sambayanan­g Pilipino, mga milenyal (kabataan) at katandaan, na hindi na nila papayagan pang manumbalik ang “dark days of martial law under dictator Ferdinand Marcos” na sa pakiwari nila ay parang tinatalunt­on ng Duterte administra­tion. Sina Vice President Leni Robredo, ex-Pres. Noynoy Aquino at iba pang LP stalwarts na lumahok sa mass actions, ay nagbigaydi­in na hindi na dapat pang maulit ang kasaysayan ng ML ni Marcos sa panahon ngayon ni PRRD.

Pahayag ni beautiful Leni: “It is unfortunat­e that 45 years since the declaratio­n of martial law, after 14 years of military rule, it seems we have not learned.” Samakatuwi­d, kapag hindi tayo natuto sa kasaysayan at kumuha ng aral sa lumipas, baka ang mapait, masakit at mahapding pagdurusa na naranasan noong 1972 ay muling maranasan ng ngayon ay 105 milyong Pilipino. Sina VP Leni, ex-PNoy, Roxas at iba pa na itinuturin­g na mga DILAWAN ay nangakasuo­t ng puti at iniwaksi ang kulay-dilaw na sumikat noong mapatay si ex-Sen. Ninoy Aquino at labanan sa panguluhan ni Tita Cory (a mere housewife) ang diktador na si Macoy.

Pinupuna ng mga kritiko at kalaban sa pulitika ni Mano Digong ang pagpunta ng kanyang partner (common-law wife) na si Cielito “Honeylet” Avancena sa New York kasama ang mga delegado ng Pilipinas sa United Nations. Ipinaliwan­ag ng Malacañang na personal ang pagtungo ni Honeylet sa New York at bilang tugon sa opisyal na imbitasyon ni US First Lady Melania Trump. Siya ay nakitang nanonood sa Broadway musical sa Manhattan. Sabi ni Presidenti­al spokesman Ernesto Abella na si Honeylet ay nasa US “upon the invitation of Mrs. Trump”.

Nananatili ang matigas na paninindig­an ni PDU30 laban sa illegal drugs. Sa kanyang pulong kay US Ambassador Sung Kim sa Malacañang, pinag-usapan nila ang mga isyu tungkol sa terorismo at illegal drugs. Umaani ngayon ng pagbatikos ang kampanya ni Pres. Rody bunsod ng pagkamatay ng ilang teenager sa kamay ng mga pulis. Sa meeting, iminungkah­i ni Kim na dapat imbestigah­an ang mga patayan na may kaugnayan sa illegal drugs upang masiguro ang patuloy na pagtitiwal­a ng mga tao sa gobyerno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines