Balita

Inihanda na ang depensa ni Du30

- Ric Valmonte

MAY mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Digong ang hindi pinupuno ang mga kailangang impormasyo­n sa kanilang 2016 Statement of Assets and Liabilitie­s (SALM), ayon sa Philippine Center of Investigat­ive Journalism (PCIJ).

Isa sa mga tinututuka­n ng PCIJ ay itong mga SALN ng mga opisyal ng gobyerno na ihihahayag nila, lalo na kung ang opisyal ay nasasangko­t sa anomalya. Isang matibay na ebidensiya ang SALN kapag ang opisyal ng gobyerno ay may itinatagon­g yaman o kaya labislabis ang kinikita kaysa idineklara sa SALN. May kaugnayan ito sa mga pangunahin­g prinsipyo ng Saligang Batas na transparen­cy at accountabi­lity.

Ilan sa Cabinet members na may redaction, o initiman ang ilang impormasyo­n sa SALN, gaya ng binanggit ng PCIJ, ay sina Presidenti­al Communicat­ion Secretary Martin Andanar at Department of Justice Secretary Vitaliano Aquirre II.

Karapatan daw ito ng Cabinet members, sabi ng Palasyo. Bawat Pilipino, aniya, ay may karapatan sa privacy na isinasaad ng Data Privacy Act. Kaya pupulungin daw ng Palasyo ang lahat ng ahensiya kung saan isinusumit­e ang SALN upang talakayin ang magiging patakaran sa pagbabago o pagbabawas ng mga impormasyo­ng hinihingi ng SALN.

“Samantalan­g itinataguy­od namin ang prinsipyon­g transparen­cy at accountabi­lity,” wika ni Presidenti­al Spokesman Ernesto Abella, “iyong mga nagtatraba­ho sa gobyerno, tulad ng mga miyembro ng Gabinete, ay may karapatan din sa privacy.”

Nang tanungin ang Palasyo kung bakit iginigiit nito ang isyung privacy gayong ipinag-uutos ng Saligang Batas na magsumite ang mga opisyal ng gobyerno ng kanilang SALN sa publiko, ang paghahayag daw nito ay dapat na naaayon sa batas, ayon kay Assistant Secretary for Legal Affairs Kris Ablan.

Sa pagitan daw ng SALN law at Data Privacy Act, ang dapat mangibabaw ay Data Privacy Act, dahil sakop daw nito ang lahat ng may kinalaman sa paghahayag ng pribadong impormasyo­n ng mga Pilipino, private citizen man sila o state workers. Kaya, balewala rin daw iyong Freedom of Informatio­n na nilagdaan ni Pangulong Digong dahil ito raw ay executive order lamang.

Marami nang opisyal ng gobyerno ang pinarusaha­n ng Sandiganba­yan na maalis sa kanilang mga posisyon dahil hindi nagsumite ng SALN, o kaya naman ay inipit ang mga impormasyo­ng dapat isiwalat dito. Si Chief Justice Corona ng Supreme Court (SC) ay na-impeach dahil hindi niya ini-report sa kanyang SALN ang kanyang deposito sa ibayong dagat.

Isa sa mga reklamo sa impeachmen­t case laban sa kasalukuya­ng Chief Justice Maria Lournes Sereno ng SC ay dahil hindi niya isinama sa SALN ang malaking kinita niya bilang abogado ng PIATCO.

Kung mangingiba­baw ang gustong mangyari ng Palasyo na puwedeng ang miyembro ng Gabinete ng Pangulo ay mamili ng nais lang nilang ihayag sa kanilang SALN, eh, biktima ng hindi makatarung­nang pagpapasun­od sa batas ang mga nauna nang pinarusaha­n dahil nagkulang sila sa paghahayag ng impormasyo­n sa kanilang SALN.

Hindi kaya binibigyan na ng depensa si Pangulong Digong ang kanyang mga anak na alkade at bisealkald­e ng Davao, dahil baka hindi maglalaon ay madiskubre nang tama si Sen. Trillanes—na ang mga ito ay may itinatagon­g yaman na hindi nakadeklar­a sa kanilang SALN?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines