Balita

MABUTING BALITA

-

Esd 6:7-8, 12b, 14-20 ● Slm 122 ● Lc 8:19-21

Pinuntahan si Jesus ng kanyang ina at mga kapatid pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. May nagsabi sa kanya: “Nakatayo sa labas ang iyong ina at mga kapatid, at gusto kang makita.” Sumagot siya at sinabi sa kanila: “Ang mga nakikinig sa Salita ng Diyos at nagsasagaw­a nito, sila ang aking ina at aking mga kapatid.”

PAGSASADIW­A:

Sila ang aking ina at aking mga kapatid.— Iisa lamang ang ina ni Jesus at iyon ay ang Mahal na Birhen. Paano niya nasabing tayo man ay maaaring maging kanyang ina (at mga kapatid)? Maliwanag ang pamamaraan— kung tulad ni Maria tayo rin ay makikinig at magsasabuh­ay ng Salita ng Diyos. Dito natin matutulara­n si Maria— sa pagiging disipulo ni Jesus. Wika nga ni San Agustin, “Bago pa ipinaglihi ni Maria si Jesus sa kanyang sinapupuna­n, siya ay kanya nang ipinaglihi sa kanyang puso.”

Maaari rin nating “ipaglihi” at “isilang” si Jesus sa gitna natin, hindi sa paraang pisikal kundi sa aspetong espiritwal. Kung paanong si Maria ay matamang nagsagawa ng Salita ng Diyos sa buhay ng pagtalima sa Diyos, tayo rin ay tinatawaga­ng magsilang at magsabuhay ng Salita.

“SIMBAHAY 2017” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines