Balita

No Wade sa Bulls

-

CHICAGO (AP) – Homecoming ang idinahilan ni Dwyane Wade nang piliing lumagda ng kontrata sa Chicago sa nakalipas na season. Ngunit, maiksi lamang ang reunion ng twotime NBA champion sa kanyang mga kababayan.

Sa isang sopresang desisyon, nagkasundo ang Bulls at si Wade para sa buyout nitong Linggo (Lunes sa Manila), ayon sa isang opisyal na may direktang kinalaman sa usapin sa The Associated Press.

Kabilang sa pinagpipil­ian ni Wade ay ang posibilida­d na magbalik Miami o magkasangg­a sa kaibigang si LeBron James sa Cleveland.

Sa pahayag ng ESPN, malaki rin umano ang posibilida­d na magtungo si Wade sa San Antonio o sa Oklahoma City — kung saan nabuo na ang ‘trio’ nina Russel Westbrook, Paul George at ang bagong dating na si Carmelo Anthony na nai-trade ng New York Knicks.

Iginiit naman ni Wade na wala pang kongretong desisyon hingil sa susunod niyang hakbang para sa career.

“I’m going to take tonight and some of tomorrow and speak to the teams or players that are on my list and go from there,” pahayag ni Wade. “My decision is a pure basketball decision and I’ll make the one that fits me best at this point in my career, and with what I feel I have to offer a team that needs what I have to offer.”

Kamakailan, naipahayag ni Heat President Pat Riley ang pagnanais na muling makuha ang serbisyo ni Wade.

May nalalabing US$24 milyon sa kontrata ni Wade nang kunin siya sa nakalipas na season at ipamigay si Jimmy Butler.

“Anything that happens from a personnel standpoint down the road, or any opportunit­ies that are there, we’re always going to approach that,” pahayag ni Riley.

Tangan ni Wade ang averaged 18.3 puntos sa Chicago, ngunit nagtamo ng injury sa kasagsagan ng regular season bago nakabawi sa playoff.

 ?? AP ?? NAGKASUNDO ang Bulls management at si Wade para sa ‘buyout’ nang nalalabi niyang kontrata.
AP NAGKASUNDO ang Bulls management at si Wade para sa ‘buyout’ nang nalalabi niyang kontrata.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines