Balita

‘D best si Paul

- Marivic Awitan

“Laro lang ako.” Ito ang payak na tugon ni Paul Desiderio matapos maitarak ang career best performanc­e sa kasalukuya­ng Season 80 ng UAAP men’s basketball tournament.

Laban sa noo’y walang talo at liyamadong La Salle Green Archers, animo’y imortal na walang kapaguran ang 6- foot- 3 forward tungo sa pagtipa ng career- high 30 puntos, anim na rebounds at limang aasists para sandigan ang University of the Philippine­s Maroons laban sa defending champion.

Ang 30 puntos ni Desiderio ang pinakamala­king puntos na naitala ng isang Maroon player mula noong 2003. Pinatunaya­n din ng Maroons na seryoso silang maging title contender ngayong season.

Dahil sa kanyang kahangahan­gang laro, nakamit ni Desiderio ang parangal bilang Chooks-to-Go UAAP Press Corps Player of the Week para sa lingo ng Setyembre 18 - 24.

Naungusan niya sa parangal ang kasanggang si Jun Manzo, Ben Mbala ng La Salle, Thirdy Ravena ng Ateneo, at Papi Sarr ng Adamson.

“Wala akong masabi. Nagpapasal­amat lang ako sa mga teammates ko kasi tulongtulo­ng kami para manalo,” ani Desiderio.

Ayon naman kay UP coach Bo Perasol , ang nasabing “excellent performanc­e” ng kanilang graduating leader ay dulot na ring ng suporta ng bawat isa.

“His teammates are his unsung heroes. They pass the ball to him, they rebound for him, they set screens for him, they do the little things for him.”

 ?? RIO DELUVIO ?? DESIDERIO: Bida sa markadong panalo ng UP Maroons sa La Salle Archers.
RIO DELUVIO DESIDERIO: Bida sa markadong panalo ng UP Maroons sa La Salle Archers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines