Balita

Primo, mas sikat kina Iya at Drew

-

ISA sa mga pinakasika­t na celebrity baby si Primo Arellano, anak nina Drew Arelllano at Iya Villania. Tuwing may post ang magasawa sa kanilang baby boy, siguradong marami agad ang likes. Talung-talo sina Drew at Iya sa paramihan ng likes, dahil hindi pa umabot sa 50,000 ang nag-like sa posts nila, samantalan­g si Primo effortess at ang bilis umabot sa 30,000 ang likes.

Ang post nga ni Drew na ginupitan nila ni Iya si Primo sa first haircut nito, may 58,501 likes na. May post na may 115, 530 likes; ‘yung kunwari gymnast si Primo, may 66,573 likes na. ‘Yung post na nasa banyo ang bata for his morning rituals, may 82,001 likes na. Ang post na kunwari tumutugtog ng electric organ, kumakanta at sumasayaw si Primo, may 483,601 likes na.

Ang nakakabili­b pa, magkaiba ang number ng likes sa post nina Drew at Iya sa kanya-kanyang Instagram (IG) account. ‘Pag pinag-combine ang numbers ng likes, mas madodoble ang bilang ng nagla-like sa picture ni Primo dahil natutuwa at nakyukyuta­n.

Muli naming nakita si Primo sa taping ng

My Korean Jagiya, laging naka- smile, kaya pati si Heart Evangelist­a natuwa. Hindi namin naitanong kay Iya kung kasabay niyang dumating sa taping si Primo o pinasunod niya sa location.

Hindi napupuyat nang husto si Iya dahil ‘ pag napack up si Heart, pack- up na rin siya dahil sila lagi ang magkaeksen­a.

“Kaya maayos ang schedule niya, hindi ako nag-a-absent sa “Chika Minute”. Nag-aabsent lang ako ‘pag outside Metro Manila ang taping o kaya’y may hinahabol na eksena at pinakikius­apan ako na tapusin ko na. Nagpapaala­m ako sa 24

Oras ‘pag mag-a-absent ako na minsan lang mangyari,” ani Iya.

Tinanong namin si Iya how is it working with the Korean stars dahil ang mga kasama niya, gaya ni Heart ay puring-puri si Alexander Lee at ang grupo nito. “Natutuwa ako sa kanila, they adjusted fine and fast. They’ve settled in perfectly. Si Alexander for me, guwapo na mas lalo pang gumuwapo dahil mabait, no complain kahit late ng natatapos ang taping. Masaya silang katrabaho,” sabi ni Iya.

 ??  ??
 ??  ?? Iya, Primo at Drew
Iya, Primo at Drew

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines