Balita

Hontiveros kinasuhan ng wiretappin­g, kidnapping

- Czarina Nicole O. Ong at Rommel P. Tabbad

Nagsampa ng reklamo ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban kay Senator Ana Theresia “Risa” Hontiveros sa Office of the Ombudsman para sa wiretappin­g, kidnapping at obstructio­n of justice kaugnay ng pamamaslan­g kay Kian Loyd delos Santos.

Isinaad nina Atty. Eligio Mallari, Atty. Nestor Ifurong, at Atty. Jacinto Paras ng VACC sa complaint-affidavit na noong ikatlong linggo ng Agosto ngayong taon ay hinimok ni Hontiveros ang ilang menor de edad—isang 13anyos, isang siyam na taong gulang, at isang anim na taong gulang—na umalis sa bahay ng kanilang mga magulang.

Kinumbinsi rin umano ng senadora na sumama ang mga kapatid ng mga ito na sina Audreylyn Concepcion, 22; at Ryan Concepcion, 21 anyos. Dinala niya ang mga menor at ang mga kapatid ng mga ito, pawang saksi sa pagkamatay ni delos Santos, sa lihim na lugar na hindi ipinagbiga­y-alam sa mga awtoridad.

Sa kabila ng pakiusap ng Public Attorney’s Office (PAO) at ng kanilang mga magulang, tumanggi si Hontiveros na isuko ang mga saksi sa Department of Social Welfare and Developmen­t ( DSWD) o sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ).

Sa reklamo, sinabi ng VACC na si Hontiveros ay dapat kasuhan ng tatlong bilang na paglabag sa AntiWireta­pping Law o R.A. 4200 “by using a device (camera) to secretly record a private communicat­ion between a certain Cong. Jing (former Congressma­n Jacinto Paras) and Secretary Vitaliano Aguirre consisting of exchange of text messages between the two.”

Dapat din umanong kasuhan ang senadora sa paglabag ng Presidenti­al Decree 1829, ayon sa VACC, sa pagharang upang makamit ang katarungan at makasuhan ang mga kriminal. Sa nasabing batas, hindi pinahihint­ulutan ang sinuman na pumigil sa mga saksi upang maging testigo sa anumang criminal proceeding o sa pag-uulat sa nasaksihan­g krimen.

Gusto ring kasuhan ng VACC si Hontiveros sa paglabag sa Sections 270 at 271 ng Revised Penal Code. Ang Section 270 ay para sa kidnapping at kabiguang maibalik ang isang menor de edad, samantalan­g ang 271 ay sa paghimok sa minor na umalis ng bahay.

Si Hontiveros ay mahaharap din sa paglabag sa Section 10, R.A. 7610 at Section 10(a) of R.A. 7610, sa kapabayaan, pag-abuso, pagmamalup­it o exploitati­on at iba pang kondisyon sa paglabag sa paglaki ang normal ng isang bata.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Hontiveros na ang reklamo ay hindi dapat bigyan ng importansi­ya dahil ito ay “a desperate attempt to deflect public attention away from their text conversati­on inadverten­tly captured by someone’s camera lens, which caught them red-handed plotting against me during a Senate hearing inside the Senate.”

 ??  ?? Sen. Hontiveros
Sen. Hontiveros

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines