Balita

Nambato ng cornick pinatay sa gulpi

- Mary Ann Santiago

Isang umano’y lasing na promodizer ang nasawi nang pagtulunga­n siyang bugbugin ng apat na lalaking pawang lasing din, matapos niyang batuhin ng cornick ang isa sa mga ito na inakala niyang kakilala niya sa Pandacan, Maynila, Linggo ng madaling araw.

Dead on arrival sa Sta. Ana Hospital si Lawrence Tenorio, 27, ng L. Jesus Street, Pandacan, bunsod ng tinamong mga bugbog sa ulo at katawan.

Arestado naman ang mga suspek na si Jose Mari Galit, alyas “Jomar”, 25, hauler personnel; kapatid niyang si Mark Joseph Galit, 18, constructi­on worker; sina Gilbert Torres, alyas “Moymoy”, 19, constructi­on worker; at Wilfredo Mia Jr., alyas “Junior”, 20, pawang residente ng Jesus Street, Pandacan.

Batay sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigat­ion Section ( MPDCAPIS), nabatid na dakong 12:47 ng umaga nang mangyari ang krimen sa 2609 Alley 2 sa Jesus Street, habang magkahiwal­ay na nag- iinuman ang grupo ng biktima at ng mga suspek.

Mayamaya ay tumayo si Jose Mari ngunit pagdaan nito sa grupo ng biktima ay pabiro siyang binato ni Tenorio sa mukha ng ilang piraso ng cornick sa pagaakalan­g kakilala niya ito.

Ikinagalit naman umano ito ni Jose Mari kaya nauwi sa hamunan ang away ng dalawa, na nang tinangkang awatin ay higit pang lumala dahil sa pagsali ng tatlo pang suspek at pinagtulun­gang bugbugin ang biktima.

Tinigilan lamang umano ng mga suspek ang pambubugbo­g sa biktima nang tuluyan na itong mawalan ng malay-tao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines