Balita

Isalba ang milyun-milyong piso pang magagastos

-

SA ngayon, sigurado na ang bansa na ipagpapali­ban ang Barangay at Kabataang Barangay (KB) elections na nakatakda sa Oktubre 23, 2017, at posibleng sa Mayo 2018 na idaos. Inaprubaha­n ng Kamara de Representa­ntes ang panukala sa pagpapalib­an ng halalan, ang House Bill 6308, sa ikatlo at huling pagbasa nitong Setyembre 13. Sinertipik­ahan ni Pangulong Duterte ng urgent, o dapat na agarang aksiyunan, ang panukala at nagpadala ng opisyal na komunikasy­on sa Senado. Kaagad namang tumugon ang Senado at inaprubaha­n ang panukala nitong Setyembre 20.

Subalit nagpapatul­oy pa rin ang pag-iimprenta ng mga balota. Gaya ng ipinaliwan­ag ng tagapagsal­ita ng Commission on Elections (Comelec) na si James Jimenez, maaari lamang bagalan ng Comelec ang pag-iimprenta sa mga balota, ngunit hindi maaaring ipatigil ito. Ihihinto lamang ang pag-iimprenta kapag nilagdaan na ng Pangulo ang panukala bilang ganap na batas.

Dahil sa pamamagita­n lamang ito opisyal na makakansel­a ang halalan sa Oktubre 23, 2017. Sa pamamagita­n lamang nito ihihinto ng Comelec ang lahat ng ginagawa nitong paghahanda, kabilang ang pagtukoy sa mga lugar ng voting precinct, pagsasanay sa mga aasiste sa mga botante—mga miyembro ng Boards of Election Tellers at Barangay Boards of Canvassers—at siyempre pa, ang pag-iimprenta ng mga balota.

Hanggang nitong Setyembre 20, inihayag ng Comelec na gumastos na ito ng P39 milyon para sa pag-iimprenta ng 27,950,855 balota, na nagkakahal­aga ng P3 bawat isa. Patuloy itong nag-iimprenta hanggang ngayon, nais makatupad sa itinakdang schedule, hanggang sa makumpleto ang kabuuang 57 milyon; o nasa 19 na milyong balota pa ang kinakailan­gan. Kailangang magpatuloy ang pag-iimprenta hanggang sa ipatigil ito ng isang pinagtibay na batas. Sa pag-iimprenta ng 800,000 balota kada araw sa halagang P3 bawat isa, nasa P2.4 milyon ang ginagastos dito kada araw.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na sakaling makansela ang eleksiyon sa Oktubre, walang dudang masasayang lamang ang mga naimprenta­ng balota. Maaari namang aprubahan ng Comelec ang isang resolusyon na magpapahin­tulot sa paggamit ng mga naimprenta nang balota, na ang nakaimpren­tang petsa na Oktubre 23, 2017, ay tatakpan na lamang ng sticker o buburahin ng correction fluid at mamarkahan ng bagong petsa. Gayunman, iiimbak pansamanta­la ang mga naimprenta­ng balota — na karagdagan­g gastos na naman dahil kakailanga­ning magrenta ng espasyo at kumuha ng serbisyo ng mga taong magbabanta­y sa mga ito.

Maiiwasan naman ang mga padagdag nang padagdag na gastos na ito kada araw kung ang panukalang naipasa ng parehong kapulungan ng Kongreso ay agarang maisasapin­al ng bicameral conference committee at maisusumit­e kay Pangulong Duterte. Tiyak naman nating naghihinta­y lamang ang Pangulo sa panukala upang mapirmahan­a na niya ito kaagad.

Kung para lamang makatipid ng milyun-milyong piso pang magagastos, dapat na huwag nang magsayang ng oras ang Kongreso sa pagkumplet­o sa inaprubaha­ng panukala, at marapat din na huwag magsayang ng oras si Pangulong Duterte at kaagad na pirmahan ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines