Balita

Odette Quesada, handa nang umibig muli

- Ni NOEL FERRER

FIRST flight out last Sunday pabalik ng Los Angeles ang sinakyan ng kaibigan naming si Odette Quesada pagkatapos magguest sa aming programa sa radyo na Level Up Showbiz Saturdate.

Umuwi siya para sumama sa grupong sumuporta kay Fe de los

Reyes na nag-show sa Teatrino na pinamagata­ng LolaLand.

Nagkaroon ng memorable bonding ang magkakaibi­gang Odette, Fe at Kuh Ledesma sa Hacienda Isabella at umaasang magkikita-kita uli sa concert ni Kuh sa March at sa celebratio­n ng 35th anniversar­y ni Odette bilang singer-songwriter next year.

Maraming rebelasyon si Odette katulad ng depression niya nang mamatay ang asawang si Bodjie Dasig noong 2012 at matagal siyang nagtago at nag-focus sa pagiging nanay sa anak nilang si Darian. Bodjie (who composed such great hits like Sana

Dalawa Ang Puso Ko and Ale) died of kidney cancer three months after his diagnosis.

“He was in absolute denial, ako naman I had to be strong for the family, so I just kept to myself,” sabi ni Odette whose hits like Friend of Mine, I Need You Back, Till I Met You, A Long Long Time Ago, Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say, at marami pang iba. Bumati kay Odette si Lani Misalucha na isa

sa gjnawan nila ng unang album at nakasama nila ni Bodjie sa

ASAPinoy; at si Kuh Ledesma na nagsabing dapat ay gumawa pa ng maraming komposisyo­n si Odette na itinuturin­g nitong Carole King ng Pilipinas.

Maraming revelation­s si Odette, tulad ng huling album na ginawa nila ni Bodjie para kay

Nora Aunor, ang Valentine gift sa kanya ni Bodjie na kantang Habang

Panahon na hanggang ngayon ay kinikilabu­tan pa rin siya kapag naririnig. “Parang isang anthem ng pamamaalam ito that it full of love. Ang galing talaga ni Ate Guy!” sabi niya.

Hindi pa niya makanta ito dahil hindi niya mapigilang umiyak kapag naririnig ito dahil sa sobrang pagmamahal na ipadama sa kanyang kanyang yumaong asawa.

Asked kung ano ang kanta na maglalaraw­an sa buhay niya ngayon, “It’s funny but during my 50th birthday, hindi ko inakalang ang kantang To Love Again ang magiging theme song ng buhay ko ngayon.”

Kantiyaw tuloy ni Kuh, “Sana main love ulit si Odette and when that happens, more good music will come out, I’m sure.” Na mabilis na sinagot ni Odette ng, “Ikaw muna kaya.”

Natahimik na lang si Kuh.

 ??  ?? Odette
Odette

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines