Balita

Maricar Reyes, sosyal na tanggap ng masa

- –Reggee Bonoan

KADALASAN kapag babaeng kontrabida, maganda man o hindi kagandahan, kinamumuhi­an ng mga manonood o kaya ay kung anu- ano ang masamang sinasabi o komento. Iba ang dating ni

Maricar Reyes-Poon bilang si Samantha na kontrabida nu’ng unang sumulpot sa

La Luna Sangre pero pawang positibo ang feedback.

Kesehodang hindi girly ang boses niyang malaki, gusto siya ng viewers at lalo pang minahal nang malaman na kakampi pala siya ng Moonchaser­s, na siya pala ang nasa likod nito, at kinasangka­pan lang si Professor T ( Albert

Martinez) para tumulong kina Tristan ( Daniel Padilla) at Malia ( Kathryn Bernardo). Sa umeereng kuwento, alam na ni Samantha na si Tristan ay may kaugnayan sa past life niya kaya mahigpit ang bilin niya kay Professor T at sa Moonchaser­s na bantayan ang binata dahil hindi ito dapat mapahamak. Maging ang lobong best friend ni Malia na si Jake ( Tony Labrusca) ay pinakiusap­an niyang bantayan si Tristan. Nananatili­ng mataas ang ratings nationwide ng La Luna Sangre ( 36.4%) kumpara sa katapat nitong Alyas Robin Hood (14.7%) nitong Biyernes. Napakasuwe­rte ni Maricar dahil kahit sosyal ang dating at hindi man dire- diretso ang acting career, madali siyang natatangga­p ng televiewer­s kumpara sa iba na marami ring exposure sa mga serye pero hindi tanggap ng masa kaya pinapatay na ang karakter kalaunan dahil hindi naman nakakatulo­ng sa programa. Anyway, halos isang buwan na sa Bestseller Chart ng National Bookstore ang libro nila ng asawang si Richard Poon na may titulong 10 Things We Fight About. Magkakaroo­n sila ng book tour at autograph signing, kaya abangan.

 ??  ?? Maricar
Maricar

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines