Balita

Maine, nag-enjoy sa karagatan ng Biliran

MISS MILLENNIAL­S FINALES, SA SABADO NA

- Ni NORA CALDERON

PABORITO ni Maine Mendoza ang dagat. Kaya kahit Sunday ang family day niya, hindi siya tumanggi para pumunta ng Leyte nitong nakaraang Linggo. Madaling pumayag si Maine dahil bukod sa trabaho iyon at sa Biliran Island sila pupunta, kasama ang Eat Bulaga production.

Ayon sa balitang natanggap namin, ang shoot doon ay gagamitin sa OBB (Opening BillBoard) para sa darating na “Miss Millennial Philippine­s 2017 Grand Coronation Day” na magaganap sa Sabado, September 30, sa Mall of Asia Arena. Nauna nang pumunta si

Alden Richards sa Batanes Islands naman noong Tuesday, September 19, para rin sa beautiful tourist spots doon.

Bago nga humapon, nag-post na si Maine ng kanyang Instagram story na naka-pose siya sa ibabaw ng isang motorized banca habang inihahanda ang kanyang shoot. Maging ang Biliran Island tourism ay nag-post ng mga eksena ni Maine sa kanilang lugar.

May post si Maine na kita ang napakalini­s na blue-green na dagat at dinig ang boses niya na, “Maldives, charot!” Tiyak na ang naalala niya ay ang bakasyon niya sa Maldives a few months ago. Kaya lang, mukhang hindi siya nakapagswi­mming, wala siyang post nakalublob siya sa dagat. Pero nag-post din siya ng magandang langit na may caption na, “pink skies” dahil kulay pink ang langit na naghalo na ang kulay ng lumubog na araw at papadilim nang gabi. May nag-post namang fans ni Maine na nanghinaya­ng na hindi nila nalaman na darating pala roon ang kanilang idolo.

Mukhang isa ito sa mga aabangan ng televiewer­s sa live special presentati­on ng Eat Bulaga para sa “Miss Millennial Philippine­s 2017”. Sino kaya ang mananalo among the 38 representa­tives ng bawat lugar sa ating bansa at magkakamit ng P500,000 cash, brand new Montero SUV Mitsubishi, at condominiu­m unit from Bria? Aling province o city naman kaya ang tatanggap ng P1M dahil sa pagsuporta at pagbabayan­ihan nila sa kanilang representa­tive at gagamitin ito para mapaunland pa ang bayan o province nila at ang representa­tive nila ay tatanggap din ng one hundred thousand pesos?

 ??  ?? Maine
Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines