Balita

Luis, man of honor sa kasal nina Anne at Erwan

- –Reggee Bonoan

NAPANOOD namin ang episode ni Lea Salonga sa I Can See Your Voice nitong nakaraang Sabado, at bumilib sa kanya ang sing- vestigator­s na sina Kean Cipriano, Wacky Kiray, Alex Gonzaga, Angeline

Quinto at Andrew E dahil isa lang ang mali ng internatio­nal artist sa huli kung sino ang secret songer dahil hindi siya dumepende sa bulong ng lahat.

Ang naunang dalawang round na Stop, Looks and Listen at The Voice is Synching ay parehong tinamaan ng isa sa voice coach ng The Voice/The Voice Kids at sa huling round na I Like to Prove ay dalawa ang itinira niya na nagkataong pareho palang singer. Kaya may maling isa si Lea bagay na ikinabilib ng lahat pati ng audience at ng host na si Luis Manzano. Sa pilot episode kasi na si Gary

Valenciano ang guest artist, mali kaagad ito sa unang round pa lang, bagamat nakabawi sa huli dahil singer ang naka-duet niya.

Okay rin si Ogie Alcasid dahil nahulaan niya halos lahat ng Seentunado pero sumablay nu’ng pumili na siya ng makaka-duet niya kaya hindi siya nakatangga­p ng tropeo.

Nakakaaliw ang programang ito at tiyak na mauuso na naman ito sa mga Christmas party ng bawat opisina at isa na nga roon ang ABSCBN Christmas Party for the Press, tama ba, Aaron Domingo?

Anyway , masayang ibinalita ni Luis sa guesting niya sa Magandang

Buhay na isa siya sa wedding entourage ng best friend niyang si Anne Curtis na ikakasal na kay Erwan Heussaff.

“Si Anne, nakaka-touch, kasi, di ba, ikakasal na nga siya. She sent me a letter saying na ‘may promise tayo sa isa’t isa and would you be my man of honor sa kasal?’ So kasama ako sa entourage ng kasal niya. ‘Yun ang promise namin sa isa’t isa na kailangan part ako noon. At the same time kapag ikinasal na ako she will be my best woman.”

Nagbalik- tanaw ang TV host na teenager pa lang siya ay magkakilal­a na sila ni Anne.

“Siguro hindi pa ako artista, baka 18 pa lang ako nakilala ko na siya. Siya ‘yung type ng best friend na hindi ko kailangang makita on a regular basis para ma- maintain ‘ yung friendship namin,” saad ng binata.

At mukhang susunod na rin si Luis sa yapak ni Anne dahil nang tanungin kung kailan naman sila ikakasal ni Jessy

Mendiola, “sana soon,” ang kaswal nitong sabi.

 ??  ?? Luis at Anne
Luis at Anne

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines