Balita

Kathy Griffin, nagsampa ng restrainin­g order laban kay Jeffrey Mezger

-

HUMILING ng restrainin­g order si Kathy Griffin laban sa kanyang kapitbahay na KB Home CEO na si Jeffrey Mezger, matapos ang mainitang pagtatalo nitong nakaraang linggo.

Ayon sa The Blast, nagsampa ng kahilingan ang 56 taong gulang na comedian laban kay Mezger at kanyang asawa na si Sandra, sa Los Angeles County Court nitong Huwebes. Noong Martes, naglabas ang

Huffington Post ng audiorepor­t ng insidente — na nakuha mula sa security footage — na naganap noong Sabado, na pinagsalit­aan ni Mezger si Griffin at kanyang boyfriend na si Randy Bick, nang magreklamo ang magkasinta­han sa Los Angeles Police Department hinggil sa ingay na nagmumula sa bahay ni Mezger.

Sa audio, maririnig na sumisigaw si Mezger at tinawag si Griffin na “f***ing bald d**e “na si President Donald Trump “kind of put the heat on.” (Nagpakalbo si Griffin nitong nakaraang summer bilang suporta sa kanyang kapatid na Joyce, na noon ay nakikipagl­aban sa cancer. Pumanaw si Joyce nitong nakaraang linggo.)

Sumigaw ulit si Mezger ng, “Let’s declare war, a******, ’cause we got a lot to go for. Let’s bring it on, you b****.’” Tinawag din niya si Griffin na “f***ing c***.”

Inihayag ni Bick sa HuffPost na nagreklamo siya sa LAPD nitong Sabado sa kalaliman ng gabi, matapos ang ilang oras na ingay sa bahay ng mga Mezger.

“Mr. Mezger regrets losing his temper over a supposed noise complaint involving his three young grandchild­ren in his swimming pool around 8 p.m. on Saturday, while they were being supervised by their mother and grandmothe­r,” saad ng tagapagsal­ita ng KB Home sa pahayag. “He apologizes for the language he used, as it does not reflect who he is or what he believes.”

Ikaanim na pinakalama­laking pampubliko­ng traded company ang KB Home at kilala sa energy at water efficient homebuildi­ng. Nagtatraba­ho si Mezger sa kompanya simula noong 1993. Ayon sa The Wall

Street Journal, kakaltasan ng KB Home ang annual bonus ni Mezger ng 25 porsiyento kasunod ng kumalat na audio recording.

Noong Mayo, nagulantan­g ang buong America hinggil sa pagpopost nito ng duguang replica ni President Donald Trump, at hawak ang pugot na ulo — ang career move na bumago sa takbo ng kanyang buhay.

Tumangging magpaunlak ng komento ang tagapagsal­ita ni Griffin sa request ng People.

 ??  ?? Kathy Jefrrey
Kathy Jefrrey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines