Balita

Demi Lovato, hinirang na Global Citizen ambassador

TUTULONG SA MGA BATA SA IRAQ

-

NEW YORK (AP) — Si Demi Lovato ang hinirang na Global Citizen ambassador sa taunang annual music festival ng organisasy­on nitong nakaraang Sabado, na magsusulon­g sa mental health ng libu-libong batang nawalan ng tirahan sa Iraq at iba pang magugulong komunidad.

Popondohan ng singer at ng Global Citizen ang pagpapalaw­ak ng Save The Children pilot program na Healing and Education through the Arts (HEART), na magaaruga sa mga batang dumanas ng trauma sa digmaan sa Kirkuk at Salah al Din area ng Iraq.

“Ending the stigma around mental health conditions and supporting internally displaced children to build physical and mental resilience through education and access to justice is not a choice, it needs to happen, and it needs to happen now,” sabi ng singer sa entablado sa Central Park. Simula 2014, mahigit 3 milyong katao sa Iraq ang lumikas dahil sa digmaan at mga kaguluhan. Sinabi ng Carolyn Miles, president at CEO ng Save the Children, sa mga dumalo sa festival na ang HEART program ng organisasy­on ay magpapahin­tulot sa mga batang dumanas ng trauma sa karahasan na maiproseso ang nararamdam­an “through drawing, painting, music and other art forms” as a way to begin healing and “rebuild their selfconfid­ence and trust in others.”

Matagal nang isinusulon­g ni Demi ang mental health issues na nagsimula nang ibahagi niya ang kanyang sariling pakikipagl­aban sa eating disorders, substance abuse at bipolar diagnosis.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines