Balita

Jerry Lewis, hindi pinamanaha­n ang anim na anak sa unang asawa

-

AYON sa Last Will and Testament ng komedyante­ng si Jerry Lewis, na nakuha ng PEOPLE sa The Blast, walang mamanahin ang kanyang anim na anak sa unang asawa niya na si Patti Palmer. “I have intentiona­lly excluded Gary Lewis, Ronald Lewis, Anthony Joseph Lewis, Christophe­r Joseph Lewis,

Scott Anthony Lewis, and Joseph Christophe­r Lewis and their descendant­s as beneficiar­ies of my estate, it being my intention that they shall receive no benefits hereunder,” nakasaad sa kanyang will – na isinagawa noong 2012.

Binawian ng buhay ang pang-anim na anak, si Joseph, ng dating mag-asawa dahil sa drug overdose noong 2009.

Kasal sina Lewis at Palmer sa loob ng 36 na taon simula 1944 hanggang 1980. Ang isa sa mga anak nila si Gary ay naging matagumpay na musician.

Mapupunta ang malaking yaman ng estate ni Lewis sa kanyang biyuda na si SanDee Pitnick. Sumunod sa linya sa magmamana ng kanyang kayamanan ang kanyang 25 taong gulang na ampon na si Danielle.

Nagpakasal sina Lewis at Pitnick, dating Las Vegas dancer, noong 1983 at inampon si Danielle noong 1992.

Namatay si Lewis dahil sa heart failure nitong nakaraang Agosto sa edad na 91.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Danielle, na nagtatraba­ho bilang manager ng komedyante na, “he passed peacefully at home of natural causes with his loving family at his side.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines