Balita

PCSO, nadedehado pa rin sa ‘jueteng’

-

MAHIGIT 30 porsiyento ang nawawala sa Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) mula sa potensyal na kita ng pinalawak na Small Town Lottery ( STL) dahil sa patuloyna operasyon ng ilegal na sugal sa ilang mga lalawigan sa bansa, paliwanag ng mga Authorized Agent Corporatio­ns ng STL sa mga Senador.

Ayon kay PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz, ito ang pangunahin­g dahilan kung kaya’t hindi nareremit ng mga AACs ang kanilang Presumptiv­e Monthly Retail Receipt (PMMR) sa ahensya, na nakakaapek­to sa kita ng gobyerno mula sa STL.

Sa isang pagdinig sa Senado kamakailan, hingil sa iminumungk­ahing paglikha ng Philippine Charity Office (PCO), nagreklamo ang mga ilang AACs sa patuloy na paglaganap ng ilegal na sugal sa kanilang mga lugar kung saan sila ay nag ooperate ng STL, na siyang dahilan kung kaya’t nahihirapa­n silang mabuo ang kanilang PMMR na dapat nilang iremit sa PCSO.

Sa kasalukuya­n, ayon kay Corpuz, 72 AACs na ang nagpapatak­bo ng STL sa iba’t ibang probinsya sa bansa, at nagresulta ito sa pagtaas ng kita na P8.8 bilyon mula Enero hanggang Agosto, o may pagtaas na 166 na porsiyento kumpara noong nakaraang taon.

“We will soon reach the momentum, and then from there, the PCSO will review their performanc­e, and insist on is due to the government,” sinabi ni Corpuz. “We are expecting the remaining 20 more AACs to operate before the year ends,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, mga 30 porsyento mul sa potensyal na kita ng STL ay nawawala dahil sa ilegal na sugal tulad ng “jueteng, ayon kay Corpuz.

Ayon sa isang AAC mula sa Laguna, ang Ramloid Corporatio­n, meron silang potensyal na kita na P4 milyon kada araw ngunit mahigit kumulang na P1.2 milyon pa rin ang napupunta sa ilegal na sugal.

Ang Lucky V Prime Enterprise­s Corporatio­n naman, mula sa Albay, ay dapat magreremit sa PCSO ng P2.5 milyon araw-araw, at ayon sa kanila, nakaremit sila ng 70 porsyento ng kanilang PMMR noong Agosto, at ang natitirang 30 porsyento ay maaaring nawala dahil sa illegal gambling.

Halos pareho ito sa lalawigan ng Batangas, Bulacan, Negros Occidental at Pangasinan.

Kamakailan, nanawagan si PCSO General Manager Alexander Balutan sa Philippine National Police ( PNP) na seryosong harapin ang suliranin sa illegal gambling sa bansa, partikular ang “jueteng” na patuloy na mabigat na kakumpeten­sya ng STL.

“We have to face the illegal gambling crisis, and doable our efforts in the conduct of operations against illegal gambling to arrest syndicates, particular­ly those who are using STL as a front to cover their illegal business,” paguulit ni Balutan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines