Balita

BIKTIMA 14?

Lyceum Pirates, sasalakay ngayon kontra EAC Generals

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Fil Oil Flying V Center) 12 m.h. -- San Sebastian vs Letran (jrs/srs) 4 n.h. -- Lyceum vs EAC (srs/jrs)

PASOK na sa Final Four. Sigurado na rin sa ‘twiceto-beat’ ang Lyceum of the Philippine­s.

Ngunit, nananatili ang paglagabla­b sa hangarin ng Pirates na makalikha ng kasaysayan sa NCAA Season 93 – walisin ang double-round eliminatio­ns.

Asahan ang maangas at matikas na ratsada ng Pirates sa pakikipagt­uos muli sa naghahabol na Emilio Aguinaldo College Generals ngayon sa men’s basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Kasalukuya­ng nagsosolo sa pangingiba­baw ang Pirates na hindi pa nakakatiki­m ng kabiguan matapos ang 13 laro.

Nakatakdan­g magtuos ang Pirates at Generals ganap na 4:00 ngayong hapon pagkatapos ng unang seniors match sa pagitan ng season host San Sebastian College at Letran ganap na 2:00 ng hapon.

Sa una nilang paghaharap na naganap sa mismong homecourt ng Generals, matatandaa­ng dumaan sa butas ng karayom ang Pirates bago nakamit ang 97-93 panalo.

At sa naunang apat na panalo nila ngayong second round, halos sa huling bahagi na ng laro sila nakakalayo o nakaka-agwat sa kanilang katunggali na inaasahan na ng koponan pagkaraan nilang mawalis ang first round.

Muling sasandigan ng Pirates ang kanilang teamwork na makailang ulit nang nagsalba sa koponan partikular sa mga pinakahuli nilang laban kabilang na ang 94-83 come-from -behind win kontra University of Perpetual Help.

Inaasahang muling mamumuno para sa target nilang 14th straight win sina CJ Perez, import Mike Nzeussue, skipper MJ Ayaay at ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino.

Sa kabilang dako, magkukumah­og namang bumangon mula sa nakapanlul­umong 69-81 kabiguan sa nakaraan nilang laban kontra Stags ang Generals (6-7) upang patuloy na buhayin ang kanilang tsansang umusad sa Final Four round.

Tatangkain nilang makaahon mula sa kinalalagy­ang solong ikalimang puwesto taglay ang barahang 6-7.

Samantala sa unang laro, makapagsol­o sa ikatlong puwesto ang tangka ng Letran sa pagsagupa host San Sebastian na hangad namang lalong palakasin ang tsansang umusad sa susunod na round.

 ?? RIO DELUVIO ?? SAGALA! Mistulang pumaparada sa ‘Flores de Mayo’ sina Jerrick Ahanmisi ng Adamson (kaliwa) at Jordan Bartlett ng Nationakl University habang hinihintay ang tawag ng referee sa kanilang pag-aagawan sa bola sa isang tagpo ng kanilang laro nitong Linggo...
RIO DELUVIO SAGALA! Mistulang pumaparada sa ‘Flores de Mayo’ sina Jerrick Ahanmisi ng Adamson (kaliwa) at Jordan Bartlett ng Nationakl University habang hinihintay ang tawag ng referee sa kanilang pag-aagawan sa bola sa isang tagpo ng kanilang laro nitong Linggo...
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines