Balita

PNP sa Uber, Grab: I-check muna ang package

- Aaron Recuenco at Charissa Luci-Atienza

Hinimok kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang mga driver ng TNVS (transport network service vehicle) gaya ng Grab at Uber na busisiin muna ang lahat ng package na nais na ipa-deliver ng kanilang kliyente.

Ito ay sa harap ng mga ulat na ginagamit ng mga drug trafficker ang mga TNVS sa kanilang mga ilegal na aktibidad, nang walang kaalam-alam ang mga driver.

Sinabi ni Chief Supt. Arnel Escobal, director ng PNPHighway Patrol Group ( HPG), na ang pinakamain­am na paraan upang hindi magamit ng mga drug personalit­y ang mga TNVS ay ang pagkukusa ng mga driver na nasuri ng mga ito nang mabuti ang mga package bago i-deliver ang mga ito.

“They can actually do that just to make sure that what they are delivering are not illegal drugs or any other contraband,” ani Escobal.

Sa pagpapatup­ad ng checkfirst-before-deliver policy, sinabi ni Escobal na matatakot ang mga sangkot sa droga na gamitin ang TNVS sa paged-deliver ng mga droga.

Aniya, magbibigay din ito ng proteksiyo­n sa mga walang kamalay-malay na driver, dahil sakaling mahulihan ng pulis ng kontraband­o sa kanilang sasakyan ay aarestuhin pa ang mga ito at posibleng tuluyang kasuhan.

Ito ang inihayag ni Escobal sa press briefing kahapon sa pagsisimul­a ng training program para sa mga Grab driver bilang force multiplier ng PNP, partikular na ng HPG.

Kaugnay nito, nangako naman ang House Committee on Dangerous Drugs na magsasagaw­a ng motu proprio investigat­ion sa posibleng pagkakasan­gkot ng mga driver ng TNVS sa bentahan ng droga.

Sinabi ni Surigao Rep. Robert Ace Barbers, panel chairman, na magtatakda pa lang sila ng petsa sa pagdinig, dahil kailangan niya pang konsultahi­n ang mga miyembro ng komite.

“As of now, there is no strict policy on that, that is why TNVS are now being used by drug dealers in their illegal trade. We will look into this,” sabi ni Barbers. “We don’t even know their policy. When you ask them to deliver documents from point A to point B what is the process? Will they check it, what if it is confidenti­al, or the package has money?”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines