Balita

China, Taiwan palalakasi­n ang suporta vs drug smuggling

- Ni ROY C. MABASA

Sa gitna ng kontrobers­iya sa diumano’y pagkakasan­gkot ng Bureau of Customs ( BOC) sa shipment ng P6.4 bilyon shabu mula sa China, nangako ang Chinese government na lalo pang paiigtingi­n ang “real-time informatio­n exchange, close case coordinati­on, and timely joint combat operations” laban sa mga krimeng may kaugnayan sa droga sa Pilipinas.

Naglabas ang Chinese Embassy sa Manila ng pahayag kahapon na pabibilisi­n ng China ang pagsusulon­g ng drug rehabilita­tion, at iba pang larangan para makatulong sa pagsugpo ng droga sa Pilipinas.

“In addition, China will further intensify the Philippine­s antidrug training, and provide drug investigat­ion, test equipment and technical support in drug control,” saad ng Chinese embassy.

“China holds ‘zero tolerance’ attitude towards drugs in and out China,” diin ng embahada. “Drug criminals, regardless of their nationalit­ies, have to receive severe sanctions according to law. Both China and Philippine­s would like to combat drug crimes with more determinat­ion, more efforts, and more effective measures.”

Binanggit ng Chinese embassy na ang mabilis na pagkilos ng Chinese customs law enforcemen­t officers at episyenten­g kooperasyo­n ng BOC ay nagresulta sa pagkakasam­sam ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa dalawang bodega sa Barangay Ugong, Valenzuela City nitong Mayo.

Binigyang-diin naman ng Taiwan na kailanman ay hindi nanggaling sa isla ang illegal drugs na pumapasok sa Pilipinas, pahayag ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa bansa.

Sa katunayan, sinabi ni Dr. Gary Song-Huann Lin, kinatawan ng Taiwan sa Pilipinas, na lubusang sinusuport­ahan ng Taiwan ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na labanan ang transnatio­nal drug syndicates.

Binanggit ni Lim na ang magkatuwan­g na pagsisikap ng Taiwan at Pilipinas sa paglaban sa transnatio­nal drug crimes ay nagbunga ng 12 mahahalaga­ng kaso at pagkakumpi­ska ng mahigit 1,000 kilo ng shabu, mahigit 8,000 kilo ng semi-finished products at raw materials, tatlong shabu laboratory, isang distributi­on station at anim na shipment ng illicit drugs na idinaan sa air cargo at sea container. Ang halaga ng mga nasamsam ay tinatayang aabot sa halos P3.2 bilyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines