Balita

‘Yolanda’ housing contractor nangangani­b sa plunder, perjury

- Ben R. Rosario

Nahaharap sa plunder at patungpato­ng na kasong kriminal ang contractor ng P892 milyon housing project para sa mga biktima ng supertypho­on “Yolanda” matapos kumpirmahi­n ng mga mambabatas na ang mga pabahay na itinayo nito ay inilalagay sa panganib ang buhay ng mga tao dahil sa paggamit ng substandar­d na constructi­on materials.

Sinabi ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez, chairman ng House Committee on Housing and Urban Developmen­t, kinumpirma ng inspection team na ipinadala ng House panel ang panloloko ng JC Tayag Builders.

Ayon kay Benitez, nagkaroon ng sapat na dahilan ang House panel upang alamin kung ang mga nasabing constructi­on materials ay ginamit din sa housing units para sa lahat ng iba pang biktima ng “Yolanda” na pinondohan sa pamamagita­n ng P60 bilyong pondo ng gobyerno.

Sa pagdinig ng House nitong unang bahagi ng buwan, mariing itinanggi ni JC Tayag ang mga akusasyon ng subcontrac­tor na si Camilo Salazar na gumamit siya ng substandar­d steel at bars sa pagtatayo ng mahigit 2,000 bahay sa mga bayan ng Balangiga, Hernani at Guiuan sa Eastern Samar.

“Itong contractor na ito, niloko na mga tao sa Eastern Samar, niloko pa rin ang committee,” diin ni Benitez sa paghahayag niya ng mga kasong perjury, contract violations at plunder.

Kasama sina Reps. Ben Evardone (LP, Eastern Samar) at Deogracias Victor Savellano (PDP-Laban, Ilocos Sur), sinabi ni Benitez na nadiskubre ng grupo na nagsasabi ng totoo si Salazar na ang mga materyales na ginamit sa pabahay ay hindi pumasa sa pamantayan ng National Housing Authority.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines