Balita

Esd 9:5-9 ● Tb 13 ● Lc 9:1-6

-

Tinawag ni Jesus ang Labindalaw­a at binigyan sila ng lakas at kapangyari­han para supilin ang lahat ng demonyo at magpagalin­g ng mga sakit. Sinugo niya sila upang ipahayag ang Kaharian ng Diyos at magbigay-lunas.

Sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglakad, ni tungkod, ni supot, ni tinapay, ni salapi; huwag kayong magkaroon ni tigalwang bihisan. Sa alinmang bahay kayo nakituloy, doon kayo tumigil hanggang sa pagalis ninyo. Kung may hindi tatanggap sa inyo, umalis kayo sa bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal laban sa kanila.”

Kaya nga lumabas sila at dumaan sa lahat ng bayan na nangangara­l at nagpapagal­ing saanman. PAGSASADIW­A:

Huwag kayong magdala ng anuman.— Iba’t iba ang mga bagay na ipinahihin­tulot dalhin ng mga isinugo, ayon sa salaysay ng mga ebanghelyo. Gayunman, nagkakaisa sila sa isang layunin. Itinuturo nilang lahat na ang misyonero ay hindi dapat mabahala sa anumang bagay sapagkat Diyos ang siyang magbibigay ng kanilang pangangail­angan. Ito ay paalala sa mga naglalakba­y—“Travel light.”

Totoo nga naman, mahirap maglakbay kapag maraming dala-dalahan. Mahirap kumilos nang mabilis. Hindi naman dapat mangamba ang isang nagmimisyo­n. Kailanman ay hindi magdaramot ang taong kanilang makakasala­muha. Kailanman ay hindi magpapabay­a ang Diyos sa nagsugo sa kanila at nag-atas ng mabigat na gawain. Wala silang dadalhin kundi ang pusong nagtitiwal­a sa Diyos at ang Mabuting Balita ng Kaligtasan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines