Balita

Carmina, ayaw nang sundan ang kambal nila ni Zoren

- Ni NORA CALDERON

NGAYONG napapanood na si Carmina Villarroel bilang si Ceres sa drama-fantasy na Super Ma’am ni Marian Rivera-Dantes, lalong dumami ang nagtatanon­g kung balik-Kapuso na ba siya?

Bukod kasi sa naturang teleserye, napanood na rin si Carmina na nag-guest sa Sarap Diva at nagguest din silang buong mag-anak sa Road Trip na kinunan sa Batanes Island. Kaya tinanong namin siya nang makausap namin.

“Hindi naman ako naka-exclusive contract sa anumang network,” sabi ni Mina. “Kung saan may offer, tinatangga­p ko basta walang conflict. Kaya natuwa ako nang tawagan nila ako para magkaroon ng special role sa Super Ma’am kasi ngayon ko pa lang makakatrab­aho si Marian at naroon din si Tita

Helen ( Gamboa). “Pareho kaming open sa work ni Zoren. Katatapos din lang niyang mag-guest sa I Heart

Davao at papasok din siya sa Ika-6 Na Utos. Ito namang kambal namin, sina Mavvy at Cassy, madalas ding tawagan ng Eat Bulaga para mag-guest sa opening production numbers nila kung Saturday, na walang pasok ang dalawa.”

Nagpaabot ng pasasalama­t si Carmina sa mga nagsasabin­g napalaki nila ni Zoren ng maayos ang kambal nila.

Nang magtanong sa kanya kung bakit hindi na nila sinundan ni Zoren ang kambal, ngayon daw na 16 years old na ang dalawa, lalong hindi na puwede. Kung noon daw ay gusto ni Mavvy, pero ngayon ay ayaw na niya, dahil satisfied na silang magkapatid sa isa’t isa. Si Cassy ang medyo may hilig sa showbiz, kasabay ng studies nito, kuwento pa ni Mina. Pero si Mavvy, mas gustong mag-concentrat­e sa studies at basketball kaysa magseryoso sa showbiz. Happy naman daw ang kambal sa tuwing may offer na endorsemen­ts sa kanila dahil sa nagiging bonding na rin nila ang photo at TVC shoots.

Ngayong medyo maluwag ang schedule ni Carmina, gusto niyang magkaroon ng business. Matagal na siyang gustong magkaroon ng drugstore, kaya thankful siya na kinuha silang magpapamil­ya bilang endorser ng CitiDrug at puwede raw silang mag-franchise. Kaya naghahanap na si Zoren ng location sa Cainta, Rizal at sa Pasig City na malapit sa kanilang lugar.

“Pero kung may offer sa GMA, tatanggapi­n ko naman. Ayaw ko pa rin namang mabakante sa pagarte. Sa ngayon wala akong program sa ABS-CBN,” nakangitin­g pagtatapos ni Carmina.

 ??  ?? Cassy, Zoren, Carmina at Mavvy
Cassy, Zoren, Carmina at Mavvy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines