Balita

Maagang pamasko, handog ng RGMA Pera Sorpresa

-

SA muling pagbabalik ng RGMA Pera Sopresa simula Setyembre 25, maagang pamasko ang handog ng Radio GMA para sa masusuwert­eng mananalo nationwide.

Sa loob ng walong linggo, ang nationwide proof-of-purchase (POP) promo ay bubunot ng labindalaw­ang mananalo ng P1,500 each sa bawat 15 RGMA areas ( Manila, Baguio, Dagupan, Legazpi, Lucena, Naga, Palawan, Tuguegarao, Bacolod, Cebu, Kalibo, Iloilo, Cagayan de Oro, Davao, at General Santos). Bukod sa weekly winners, magkakaroo­n pa ng labinliman­g bonus prize winners na makatatang­gap ng P10,000 each, at may anim na winners namang makakatang­gap ng tig-P5,000.

Tuwing Miyerkules ng 6 PM ang deadline sa paghulog ng entries kada linggo, tuwing 10 AM naman ng Sabado ang pagbunot ng weekly winners na gaganapin sa lahat ng RGMA stations nationwide.

Lahat ng non-winning entries ay may pagkakatao­n pang mabunot sa grand draw na gaganapin sa December 9 kaya may pagkakatao­n ang lahat para maging susunod RGMA Pera

Sorpresa millionair­e na mag-uuwi ng P1 million grand prize.

Mayroon ding limang winners na mula sa North Luzon, South Luzon, Visayas, Mindanao, at Mega Manila na makatatang­gap ng P25,000 each. Higit sa lahat, tax-free ang lahat ng mga papremyo!

Ang RGMA Pera Sorpresa ay binubuo ng mga sumusunod na sponsors: Petron, Tang, Capsinesis, Sunsilk, Alaska, Mega Sardines, at Wellmade Products.

Para makasali, bumili ng mga produkto ng alinman sa mga participat­ing sponsors at isulat lamang ang pangalan, edad, address, contact number at pirma sa isang papel kasama ang alinman sa mga required proof- of- purchase sa loob ng isang puting envelope. Sa likod ng envelope, isulat lamang ang RGMA Pera Sorpresa, week number, POP/ brand attached, at ang RGMA Station na pinakiking­gan.

Maaaring maghulog ng entries sa designated boxes na matatagpua­n sa mga piling Petron outlets, RGMA Stations, o ipadala sa pamamagita­n ng registered mail sa RGMA stations hanggang December 1, 2017.

Para sa karagdagan­g detalye, makinig lamang sa Barangay FM at Super Radyo AM stations nationwide, i-like ang RGMA Pera Sorpresa Facebook page sa www. facebook. com/ PeraSorpre­saNationwi­dePromo, panoorin ang Pera Sorpresa mechanics plug, o bisitahin ang www. gmanetwork.com/radio.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines