Balita

Batang jins, labo-labo sa SMART tilt

-

MAHIGIT 1,500 taekwondo jins mula sa iba’t ibang eskwelahan sa bansa ang magtatagis­an ng husay sa pagsipa ng 2017 SMART/MVP Sports Foundation National Inter-School Taekwondo Championsh­ips sa Sept. 30-Oct. 1 sa Rizal Memorial coliseum.

Sasabak ang mga pambatong jins ng mga eskwelahan na affiliated sa Philippine Taekwondo Associatio­n (PTA) sa male and female kyorugi ( sparring) at igugrupo sila sa novice at advance groups sa seniors, juniors, cadet at grade school division. Isasagawa rin ang Poomsae competitio­n para sa mga colored and blackbelt students para sa individual, pair at team events.

Ang Poomsae ay isang uri ng pagpapamal­as nang kahusayan sa timing, kilos gamit ang mga kamay at paa sa iba’t ibang porma.

Kabilang sa mga kalahok sa dalawang araw na kompetisyo­n ang Ateneo de Manila, University of Santo Tomas, St. Paul (Pasig), Diliman Preparator­y School, Mary Hill School, Emilio Aguinaldo College, Montessori Integrated School, De La Salle University, University of the East, National University, Philippine Science High School, School of Holy Spirit, University of the Philippine­s Diliman, De La Salle University Araneta, Pamantasan­g Lungsod ng Valenzuela, gayundin ang mga kalahok mula sa Visayas at Mindanao.

Magsisimul­a ang aksiyon sa torneo na suportado ng Smart Communicat­ions Inc., Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, PLDT at Milo ganap na 9 ng umaga.

 ??  ?? KABILANG si Pauline Lopez sa magpapamal­as ng husay sa Smart taekwondo championsh­ip.
KABILANG si Pauline Lopez sa magpapamal­as ng husay sa Smart taekwondo championsh­ip.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines