Balita

UMULAN NG TRES!

16 three-pointer naisalpak ng San Sebastian kontra Letran

-

SA labas, tigatik ang pag-ulan. Sa loob ng FilOil Flying V Arena, bumuhos ang three-pointer sa Sebastian CollegeRec­oletos.

Mistulang nagsagawa ng basketball shooting clinic ang Stags sa naisalpak na 16 three-pointer tungo sa dominanten­g 95-64 panalo kontra Colegio de San Juan de Letran kahapon sa NCAA Season 93 second round eliminatio­n sa seniors basketball tournament.

Bawat isa sa 10 players ng Stags ang nakaiskor sa rainbow territory para sa natatangin­g shooting spree ng Recto-based cagers na tuluyang umabante sa Final Four tangan ang 7-6 karta.

“Ganito talaga yung buhay namin. We die, we live in three points,” pahayag ni head coach Egay Macaraya.

Nawindang naman ang tsansa ng Knights na makahirit sa susunod na round.

Naging dikitang ang laban sa unang sigwa ng aksiyon, ngunit, sumambulat ang opensa ng San Sebastian tampok ang 20-1 blast sa third period upang ilayo ang bentahe at itarak ang one-sided win.

“Hindi namin in-expect na ganito kalalabasa­n ng game. Ako man, nasopresa sa init ng shooting ng team,” sambit ni Macaraya.

Mula sa 49-41, apat na Stags ang umiskor ng three-pointer para paningasin ang opensa at palubohin ang kalamangan sa 69-42 tungo sa final period.

Umabot ang bentahe ng Stags sa pinakamala­king 33 puntos.

Nanguna sina Jayson David at Allyn Bulanadi sa Stags sa natipang tig-tatlong three-pointers para sa kabuuang 17 at 16 puntos, ayon sa pagkakasun­od, habang kumubra si Michael Calisaan ng 13 puntos.

“Grabe ang ipinakita ng mga baya, bigyan natin sila ng credit. Yung pinaghirap­an nila sa ensayo, ito na ang sukli,” sambit ni Macaraya.

Nabahiran naman ng gusot ang sana’y pamamasyal na lamang ng Stags nang tawagan si Alfren Gayosa ng disqualify­ing foul sa huling minuto ng laro nang masipa sa mukha si Knights forward Jeremiah Taladua sa agawan sa bola. Awtomatiko siyang suspindido ng isang larokung kaya’t hindi siya mamakasama sa bench sa laban ng San Sebastian kontra sa nangunguna­ng Lyceum of the Philippine­s University sa Biyernes.

Nanguna sa Letran sina Bong Quinto at Jerrick Balanza sa naiskor na 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasun­od. Iskor: SAN SEBASTIAN (95) - David 17, Bulanadi 16, Calisaan 13, Gayosa 9, Costelo 6, Navarro 6, Are 6, Capobres 4, Mercado 4, Calma 3, Ilagan 3, Baytan 3, Valdez 3, Baetiong 2, Quipse 0.

LETRAN (64) - Quinto 14, Balanza 13, Calvo 7, Mandreza 7, Nambatac 6, Gedaria 4, Taladua 4, Balagasay 3, Vacaro 3, Pascual 2, Caralipio 1, Bernabe 0.

QUARTER SCORES: 25-11, 45-38, 6947, 95-64.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines