Balita

House resolution sa pagbawi ng Balangiga Bells ‘very timely’

- Charissa M. Luci-Atienza

Napapanaho­n ang nagkakaisa­ng pag- apruba ng Mababang Kapulungan sa resolusyon na humihiling sa United States na ibalik ang mga kampana ng Balangiga sa Eastern Samar na sinamsam ng US army noong 1901 sa panahon ng Philippine-American War.

Pumalakpak si Eastern Samar Rep. Ben Evardone, isa sa mga may- akda, sa pag- apruba ng Mababang Kapulungan sa House Resolution 1337 nitong Martes ng gabi. Nangyari ito tatlong linggo matapos ipahayag ni US Ambassador to Manila Sung Kim na mayroong mga pagsisikap sa pagitan ng Washington at Manila para talakayin at pabilisin ang pagsasauli sa mga pamosong kampana.

“We will celebrate the 116 Balangiga Encounter Day tomorrow with President Duterte as guest of honor. The approval last night of House resolution was very timely,” aniya sa mga mamamahaya­g.

Ipinapahay­ag ng HR 1337 ang suporta ng Mababang Kapulungan sa apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaan ng United States na ibalik ang Balangiga bells na kinuha bilang “trophies of war” ng mga sundalong Amerikano noong 1901.

“Return the Balangiga Bells. It’s ours. It’s part of our heritage,” nakasaad sa resolusyon. Inakda ito nina Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, House Majority Floor Leader Rudy Fariñas, Minority Leader Danilo Suarez, Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Northern Samar Rep. Raul Daza.

Nauna nang sinabi ni US Ambassador Kim earlier na ang pagsasauli sa Balangiga bells ang “the right thing to do,” at nangako na makikipagt­ulungan sa gobyerno ng Pilipinas “to come up with the right or the best solution” para maibalik ang mga kampana.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines