Balita

Castillo inilibing na sa Manila Memorial Park

- Bella Gamotea

Inihatid na kahapon sa huling hantungan ang 22- anyos na hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Pagsapit ng 1:30 ng hapon, inilabas ang labi ni Atio mula sa Santuario De San Antonio Parish Chapel sa Forbes Park, Makati City at sinundan ng paglalakad ng kanyang ama na si Horacio Castillo, Jr.; inang si Carmina; kapatid na si Nica at kaanak at malalapit na kaibigan ng pamilya at dumiretso sa Santuario De San Atonio Parish Church.

Pagsapit ng 2:00 ng hapon, nagdaos ng misa sa nasabing simbahan bago tumulak patungong Manila Memorial Park.

Sa Eulogy, naging emosyonal ang pamilya Castillo nang alalahanin ang masasayang sandali ni Atio.

Nagpasalam­at ang ama ni Atio sa lahat ng mga taong tumulong at sumusuport­a sa kanilang pamilya at umaasang mapapanago­t ang mga pumatay sa kanyang anak.

Nanawagan naman ang ina ni Atio kay John Paul Solano na isiwalat nito ang lahat ng nalalaman kaugnay ng pagkamatay ng kanyang anak.

Bukas, aniya, ang kanilang pamilya sa posibilida­d na gawin itong state witness.

Ayon pa sa ginang, kuntento siya sa imbestigas­yon ng Manila Police District ( MPD) sa pagkamatay ng kanyang anak.

Bandang 3: 30 ng hapon, muling sinulyapan si Atio ng kanyang pamilya, kaanak at malalapit na kaibigan bago tuluyang inihimlay.

Inilibing si Atio sa tabi ng puntod ng kanyang lolo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines