Balita

Tribung Dinagyang magtatangh­al ng katutubong sayaw sa South Korea

-

MAGTATANGH­AL ang Tribu Salognon, ang kampeon sa paligsahan­g Dinagyang Festival Ati-ati ngayong taon, sa Anseong Namsadang Baudeogi Festival sa South Korea ngayong linggo.

Martes ng gabi nang bumiyahe ang mga opisyal at miyembro ng Dinagyang Foundation, Inc., sa pangunguna ng presidente nitong si Ramon Cua Locsin, patungong South Korea upang lumahok sa tanyag na taunang kapistahan.

Kapalit nito, magtatangh­al naman ang grupo ng mananayaw ng Anseong-si sa ika50 Dinagyang Festival sa Enero 2018. Taong 2016 nang magtanghal din ang nasabing grupo sa Dinagyang Festival makaraang lumahok din ang mga mananayaw na Pinoy sa Anseong-si festival noong 2015.

Ang matagumpay na palitan ng kultura ay epekto ng mabuting pagkakaibi­gan sa bisa ng kasunduang nilagdaan ng Iloilo City at ng Anseong-si.

Inihayag din ni Locsin nitong Biyernes, kasunod ng paglulunsa­d ng 2018 Dinagyang Festival, na isa sa mga pangunahin­g tampok sa selebrasyo­n ang isang pandaigdig­ang cultural show.

Kabilang dito ang pakikibaha­gi ng Anseong Namsadang Baudeogi Festival at Kapa haka, o ang tradisyuna­l na Maori performing arts ng New Zealand.

Itatanghal naman ng Miss Hawaii-Philippine­s ang tradisyuna­l na Hawaiian dance, samantalan­g itatampok din sa okasyon ang mga sayaw mula sa China at Spain.

Sinabi ni Locsin na magpapadal­a rin ng liham ang Dinagyang Foundation, Inc. sa Embahada ng Amerika upang imbitahan din sa okasyon ang grupo ng mananayaw mula sa nasabing bansa.

Sa Nobyembre ngayong taon, makikibaha­gi rin ang isang tribung Dinagyang sa Farmer’s Parade sa Auckland, New Zealand.

“Dinagyang prides itself in evolving innovative ideas but keeping faith with traditiona­l values. The challenge for committees is to come up with events with extraordin­ary presentati­ons,” sinabi ni Locsin sa paglulunsa­d ng Dinagyang kamakailan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines