Balita

Arci Muñoz, ka-love triangle na ng Kimerald

- –Reggee Bonoan

MASUGID ang pagsubayba­y ng televiewer­s sa

Ikaw Lang Ang Iibigin (ILAI) nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ngayon, may protesta ang Kimerald dahil pinaghiwal­ay sila at pumasok na si Arci Muñoz bilang kaagaw ni Kim.

Sa episode ng ILAI nitong Lunes, naghiwalay na sina Gabriel ( Gerald) at Bianca (Kim) para sa ikatatamik nila pareho dahil nga ginugulo sila parati ni Rigor ( Daniel Fernando).

Sa tuwing nagkikita kasi sina Gabriel, Bianca at Rigor ay kumukulo ang mga dugo nila na palaging nauuwi sa away.

Bukod dito, may suspeta si Bianca na si Rigor ang pumatay sa nanay niyang si Maila ( Bing

Loyzaga). Gayundin si Gabriel na galit na galit sa kinikilala­ng amang si Rigor dahil sa paniniwala­ng pinatay nito ang kinikilala­ng inang si Victoria ( Ayen Munji-Laurel). Sa kabilang banda, hindi na malaman ni Carlos ( Jake Cuenca) ang gagawin dahil sukol na sila ng tunay niyang amang si Rigor kaya kailangan niya ng kausap. Nabanggit niya kay Isabel ( Coleen Garcia) ang katotohana­n sa tunay niyang ama at may kinalaman sila sa pagkamatay ni Maila (Bing). Bagamat nagulat ay hindi naman nagpahalat­a kay Carlos si Isabel dahil baka hindi na siya pagkatiwal­aan at mukhang may ibang plano rin ang dalaga sa binata na hindi naman niya gusto talaga.

Saman ta la , pinaiimbes­tigahan na ni Roman ( Michael de Mesa) sa mga pulis si Rigor dahil naniniwala siyang may kinalaman ito sa pagkamatay at pagkapilay ni Maila (Bing).

Ang tanong, sino naman ang tumulak kay Victoria (Ayen) na ikinahulog niya sa building at ikinamatay?

Sa tumatakbon­g kuwento, mukhang si Arci Muñoz na bagong boss ni Gabriel ang magiging ka- love triangle nila ni Kim.

 ??  ?? Arci at Gerald
Arci at Gerald

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines