Balita

Older men, younger women sa Hollywood movies, binatikos

-

AYON

kay Reese Witherspoo­n, hindi makatotoha­nan ang pagkahumal­ing ng Hollywood sa mga relasyon ng may edad na lalaki at nakababata­ng babae.

Sa panayam ng British newspaper na The Evening Standard para i-promote ang bago niyang pelikulang Home Again, tinalakay ng 41-anyos na aktres kung paano naging “bizarre” na ang mga aktor na nakabituin niya noong nagsisimul­a pa lamang siya sa pag-aartista ay lumalabas ngayon na katambal ang mga babaeng mas bata sa kanila ng mahigit sampung taon - isang usapin na pagsang-ayon niya sa mga kapwa aktres na sina Maggie

Gyllenhaal at Cate Blanchett na sinisisi ang katotohana­n na ang dahilan ng karamihan sa mga istoryang ito ay isinasalay­say ng mga lalaking direktor.

Mas bata si Reese ng limang taon kay Mark Wahlberg nang magtambal sila sa 1996 thriller na Fear at sa bagong summer blockbuste­r ng huli na Transforme­rs:

The Last Knight, lumabas ang 46anyos katambal si Laura Haddock, na sa edad na 32 ay mahigit isang dekadang mas bata sa aktor.

“It’s interestin­g, the movies that I used to make with certain leading men, they get older, but their co-stars get younger, but my co-stars don’t. It’s weird,” buntonghin­inga ni Reese. “It’s not reflective of reality, it’s a construct in a certain way and it’s seen through the lens of a lot of male directors. So I think if we change the people making the movies we’ll see different relationsh­ips on film.”

Sa Home Again, natutuwa si Reese na baligtarin ang trend sa bibihirang masilayang onscreen coupling sa pagganap niya bilang isang 40- anyos na babae na nakarelasy­on ng 20-something na lalaki nang makipaghiw­alay siya sa kanyang asawa.

“I think there’s a really unique relationsh­ip between an older woman and a younger man in the film and I thought that I’d never really seen that on film, apart from maybe The Graduate, which is a completely different dynamic,” paliwanag niya tungkol sa pelikula, na obra ng first-time director na si

Hallie Meyers-Shyer. “I thought it took a woman to think of a woman in her forties as being really appealing to a younger guy.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines