Balita

Khloe Kardashian buntis din sa unang anak

-

LOS

ANGELES ( Reuters) – Nagdadalan­tao si Khloe

Kardashian, ang nakababata­ng kapatid ni Kim Kardashian, ayon sa ulat ng iba’t ibang publikasyo­n nitong Martes, ilang araw matapos pumutok ang balitang buntis din si Kylie Jenner, ang bunso ng celebrity family, sa una nitong anak.

Iniulat ng celebrity news publicatio­ns na TMZ. com, Us

Weekly at People magazine, pawang binanggit ang hindi pinangalan­ang source, na si Khloe, 33, kasintahan ng Cleveland Cavaliers basketball player na si Tristan Thompson, ay tatlong buwang buntis sa kanyang unang anak.

Hindi sumagot ang kinatawan ni Khloe sa mga humiling ng komento.

Walang binanggit si Khloe tungkol sa kanyang pagbubunti­s sa social media nitong Martes. Ang huli niyang Instagram post ay ang larawan niya na ipinakikit­a ang kanyang flat midriff tatlong araw na ang nakalilipa­s. Hindi rin binanggit ni Thompson ang balita sa kanyang social media platforms.

Lumabas ang balita ilang araw matapos iulat na ang 20-anyos na social media star na si Kylie ay buntis sa anak nila ng kanyang boyfriendm na si Travis Scott. Hindi pa niya kinukumpir­ma ang balita. Si Kim at asawang rapper na si

Kanye West ay magkakaroo­n din ng ikatlong anak sa pamamagita­n ng surrogate, na nakatakdan­g isilang sa susunod na taon, iniulat ng People magazine nitong unang bahagi ng buwan.

Ang mga balita tungkol sa pagbubunti­s ay kasabay ng 10th anniversar­y ng palabas ng E! Network na Keeping Up With the Kardashian­s, na nagpasikat sa Kardashian at Jenner clan at naging isa sa pinakamata­gumpay na reality franchise ng Amerika.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines