Balita

Bulldogs, lapnos sa Blazers

-

RATSADA si Renzo Pagulayan sa nakubrang 22 puntos para sandigan ang College of St. Benilde Blazers kontra National University Bulldogs, 92-83, nitong Sabado sa 15th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa St. Placid gymnasium sa San BedaManila campus sa Mendiola.

Naisalpak ni Pagulayan, transferee mula sa University of the Philippine­s, ang dalawa sa kabuuang anim na three-pointer sa final period para pag- alabin ang opensa ng Blazers tungo sa ikalawang panalo sa tatlong laro.

Ginapi ng Letran Knights, sa pangunguna ni Larry Muyang na kumubra ng 24 puntos, ang Ateneo Blue Eagles, 88-84, para sa ikaapat na panalo sa limang laro sa Group A.

Nanginbaba­w naman ang La Consolacio­nsa National University Bulldogs-A, 73-68.

Sa junior division, kinaldag ng Rich Golden Shower Montessori, sa pangunguna ni John Ospeg na may 21 puntos, ang Xavier School, 88-82.

Nanaig ang San Beda-Manila Red Kittens A via default kontra Far Eastern para sa 3-2 karta sa Group B, habang nagsalansa­n ng 33 puntos si Limwell Calibo sa dominanten­g 163- 29 panalo ng San Beda-Rizal B kontra Philippine Cultural College.

Naunang pinulbos ng Red Kittens-A ang Paco Catholic School, 135-46, habang naungusan ng San Beda-Manila B(3-3) ang La Salle Greenhills, 95-86.

Nagwagi naman ang National University Bulldogs, sa pangunguna ni Gerry Abadiano na may 14 puntos, ang St. MichaelLag­una, 87-36, para sa 5-1 karta.

 ??  ?? NILUSUTAN ni Justin Gutang ng CSB Blazers ang depensa ng NU Bulldogs sa isang tagpo ng kanilang laro sa Fr. Martin Cup.
NILUSUTAN ni Justin Gutang ng CSB Blazers ang depensa ng NU Bulldogs sa isang tagpo ng kanilang laro sa Fr. Martin Cup.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines