Balita

Arellano, tamang asa sa NCAA

-

DANGAL at karangalan na lamang ang pinanghaha­wakan ng Arellano University sa No.2

seed at defending champion San Beda College sa muli nilang pagtatagpo ngayon sa second round ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan.

Tangan ang 5-8 karta at nasa malayong ikapitong puwesto sa team standings, inaasahang magpapamal­as ng tapang ang Chiefs laban sa Red Lions (12-1) sa kanilang duwelo sa 4: 00 ng hapon.

Wala nang dapat pang patunayan ang San Beda na sigurado na sa No.2 spot at twiceto-beat advantage sa Finals Four. Nasa unahan ang walang talong Lyceum of the Philippine­s Pirates (14-0).

Napanatili ng Pirates ang malinis na karta nang pabagsakin ang Emilio Aguinaldo College, 86- 74, nitong Martes.

Magkasosyo naman sa ikatlo hanggang ikaapat na puwesto ang Jose Rizal University ( 7- 6), at San Sebastian College ( 7- 6), kasunod ang Letran (7-7) at Emilio Aguinaldo College (6-8).

Sa laro nang mga sibak nang koponan, magtutuos ang St. Benilde at Mapua a alas 2 ng hapon.

LPU ( 86) - Ayaay 15, Perez 13, Marcelino, Jc. 11, Caduyac 9, Marcelino, Jv 7, Tansingco 7, Cinco 5, Baltazar 2, Ibanez 2, Santos 2, Liwag 2, Marata 0

EAC (74) - Garcia 17, Onwubere 15, Munsayac 9, Tampoc 8, Bugarin 6, Guzman 5, Diego 4, Mendoza 3, Corilla 3, Neri 2, J. Mendoza 2, Pascua 0 Quartersco­res: 29- 19; 54- 39; 74-59; 86-74

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines