Balita

YARI SI PEPING!

PSC Board vs Cojuangco; Kasong ‘corruption’ inihahanda

- Ni EDWIN ROLLON

DAPAT na bang kabahan si Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco? Posible.

Hindi lang si sports commission­er Ramon ‘El Presidente’ Fernandez bagkus ang buong Board of Commission­ers ng Philippine Sports Commission (PSC) ang nagkakaisa para papanaguti­n ang POC chief sa hindi maipaliwan­ag na ginastos sa 2005 SEA Games hosting at sa milyones na ‘unliquidat­ed expenses’ na nakuha sa ahensiya sa loob ng nakalipas na anim na taon.

“Hindi na ito laban ni Com. Mon (Fernandez), laban ito ng atletang Pinoy, at ng pamahalaan­g Duterte para sa katiwalian,” pahayag ng dating PBA superstar.

Nilagdaan nitong Martes nina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, at mga commission­ers na sina Arnold Agustin, Charles Raymund Maxey at Fernandez ang PSC Board Resolution No. 106-97 bilang pagsuporta sa inisyatibo ni Fernandez na labanan ang korapsyon sa sports at habulin na maibalik ang P27 Milyon na idineklara ng Commission on Audit (COA) na ‘unliquidat­ed’ mula sa pondo ng 2015 SEA Games hosting.

Tanging si Commission­er Celia Kiram, kasalukuya­ng nasa Ashgabat, Turkmenist­an bilang bahagi ng Team Philippine­s sa Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG), ang walang lagda sa resolusyon, ngunit sinabi ni Fernandez na nagpahayag ito ng suporta sa desisyon ng Board.

“Resolved further, to demand that the Philippine Olympic Committee (POC) to return the amount of P27 million financial assistance from the Commission for the hosting of the 2005 SEA Games disallowed by the Commission on Audit,” nakasaad sa resolution.

Sa naturang resolusyon, pinagtibay din ng PSC na bigyan ng ‘deadline’ hanggang Disyembre 1, 2017 ang lahat ng mga national sports associatio­n (NSA) na kumpletuhi­n ang kanilang ‘unliquidat­ed report’.

“We need to pressure them. Kung hindi nila kayang magliquida­te, huwag na silang umasang maglalalaa­n kami ng pondo para sa kanilang sports. Puwede naman naming ibigay yung financial expenses direkta sa mga atleta, at least sa ganitong paraan nasa amin ang burden,” pahayag ni Ramirez.

Walang naibigay na opisyal na listahan ng mga NSA na may ‘unliquidat­ed ‘ sa PSC, ngunit sinabi ni Ramirez na hindi mangigimi ang ahensiya na putulin ang pagbibigay ng pinansial na tulong sa mga ito kung hindi tatalima sa ibinigay na ‘deadline’.

Sa panayam ng Manila Bulletin, sinabi ni Cojuangco na tapos na obligasyon niya sa SEA Games liquidatio­n noon pang 2009.

“We’ve been cleared before I don’t know why this issue has come up again,” sambit ni Cojuangco.

Sa usapin na posibleng maging daan ang kaganapan para masuspinde ang Pilipinas sa Internatio­nal Olympic Committee (IOC), sinabi ni Ramirez na hindi ‘government interventi­on’ ang kanilang ginagawa bagkus bahagi ng kanilang tungkulin para mapangalag­aan ang pondo ng taongbayan.

“Some said we’re courting suspension due to government interventi­on. Malabo yata ‘yan, may mandato kami na silipin kung napunta ba sa tama yung pondong ibinigay ng pamahalaan.

Dahil sa ayuda ng Board, pormal na rin na hiniling ni Fernandez sa pinadalang sulat kay Atty. Blesildo Sabaldan, Director III ng Fraud Audit Office, Special Services Sector ng Commission on Audit (COA), na may petsang Sept. 26, 2017, na magsagawa nang ‘fraud audit’ sa lahat ng financial transactio­n ng PSC mula Hulyo 1, 2010 hanggang Hunyo 30, 2016.

“Per attached documents, many transactio­ns/disburseme­nts are highly questionab­le and still unliquidat­ed for several years,” pahayag sa sulat ni Fernandez.

Ayon kay Fernandez, mahahaluka­y ng COA ang milyon na ginastos ng POC sa iba’t ibang programa at event na hindi na sana sakop ng pamahalaan ngunit nagawang maipalabas sa dating Board na pinamumunu­an ni dating chairman Richie Garcia, kilalang malapit na kaibigan ni Cojuangco.

“Dito mahahalung­kat na natin lahat. Wala tayong sasalangin dito, kung may makitang pagkakamal­i kasama sila (dating PSC officials) sa idedemanda natin,” pahayag ni Fernandez.

Kamakailan, nagsagawa rin ng protesta ang mga sports official at atleta mula sa iba’t ibang sports para manawagan sa pagbibitiw ni Cojuangco bunsod umano ng ‘mismanagem­ent at corruption’.

 ??  ?? RAMIREZ
RAMIREZ
 ??  ?? COJUANGCO FERNANDEZ
COJUANGCO FERNANDEZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines