Balita

PROTEKSIYO­N, IMMUNITY INAYAWAN

Pagpapalay­a kay Solano, iniutos ng DOJ

- Nina BETH CAMIA at MARY ANN SANTIAGO

Released. Ito ang nakasaad sa resolusyon na inilabas kahapon ng Department of Justice (DoJ) kaugnay ng inihaing reklamo ng Manila Police District laban kay John Paul Solano na itinuturin­g na isa sa mga pangunahin­g suspek sa pagpatay kay Horacio “Atio” Castillo III.

Sa limang pahinang resolusyon na nilagdaan ni Asst. State Prosecutor Susan Villabueva, iniutos ang masusing imbestigas­yon at itinakda ang preliminar­y probe sa kaso sa Oktubre 4-9.

Ito ay nangangahu­lugan ng pansamanta­lang paglaya ni Solano.

Samantala, tinanggiha­n ng kampo ni Solano ang posibilida­d na ilagay siya sa Witness Protection Program (WPP) ng DoJ.

Ayon kay Atty. Paterno Esmaquel, abogado ni Solano, hindi rin nila tinanggap ang alok na legislativ­e immunity para sa kanyang kliyente.

Paliwanag ni Esmaquel, hindi niya nakikitang kailangan ni Solano ng proteksiyo­n mula sa gobyerno.

Handa umano si Solano na ihayag ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay ng pagkamatay ni Castillo kahit walang anumang immunity. ‘DI TAKOT BALIKAN NG MGA IKINANTA Hindi takot si Solano na balikan siya ng mga kasamahan sa fraternity sakaling kunin siya bilang state witness sa kaso.

Sa panayam mula sa kanyang selda sa Manila Police District-Crimes Against Persons Investigat­ion Section (MPDCAPIS), sinabi ni Solano na naniniwala siyang hindi “barbaric” at “savage” ang utak ng kanyang mga kapatid sa Aegis Juris Fraternity para balikan at patayin siya ng mga ito.

"Sa ngayon po, hindi na kasi nasabi ko na naman po doon kung sino iyong mga 'yon. If ever -- huwag naman sana -- na mawala ako, may nakakaalam na rin pong iba, more or less iyong senators po," ani Solano.

"That would be good pero para sa akin, hindi naman ganoon ka-savage or barbaric ang utak ng mga brods ko to kill me for that reason," aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines