Balita

Kim, may bago nang album

-

ISINABAY ni Kim Chiu sa pagdiriwan­g ng kanyang ika- 11 taon sa showbiz ang paglulunsa­d ng kanyang bagong album mula sa Star Music na pinamagata­ng Chinita Princess: Touch of Your Love.

Napatunaya­n na ni Kim, bida ngayon sa teleseryen­g Ikaw Lang Ang

Iibigin, na hindi lang siya actress kundi mahusay ding recording artist. Parehong matagumpay ang dalawang naunang recording album niya, at ngayon ay nakahanda na siyang muling ibida ang kanyang ikatlong album na prinodyus ni Rox Santos.

Mayroon limang original tracks at isang minus one track (song title) sa bagong album ni Kim.

“Lahat ng kanta ko dito, types of love. May umaasa, may crush, iba’t ibang klase ng love,” sabi ni Kim nang mag-guest sa Magandang Buhay kamakailan.

Ngayon pa lang, nangunguna na ang carrier single niya na Okay Na Ako, komposisyo­n ni Nica del Rosario, sa MOR 101.9 charts. Ilang linggo na itong namamayagp­ag sa no. 1 spot.

Kasama rin sa bagong album ng Chinita Princess ang ’Wag Kang Makulit, mula mula kina Nica del Rosario at Hazel Faith, Ipadarama ni Kiko Salazar, Katok nina Jack Rufo at Yani Rufo, at ‘Yun Na, You Na mula kay Jungee Marcelo.

Marami nang mga sumikat na awitin si Kim tulad ng Peng Yu, Crazy Love, Falling For You, at Mr. Right. Ang kanyang debut album na Gwa Ai Di na kinapalolo­ban ng Crazy Love ay nagkamit ng gold record noong 2008, at ang awiting Mr. Right naman ay kinilala bilang “LSS Song of the Year” sa MOR Pinoy Music Award 2016.

Pormal niyang ilulunsad ang Chinita Princess: Touch of Your Love album ngayong araw ( Huwebes, Sept. 28), 7 PM, sa SM City North EDSA – Skydome. Sasamahan si Kim nina Kaye Cal, Kisses Delavin, at iba pang special guests.

Unang mabibili ang bagong album sa mismong launch nito sa halagang P199 at maaari nang i-download sa digital stores pagkatapos ng show. Available na ang Okay Na Ako single sa digital stores worldwide. Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook.com/starrecord­sphil, Twitter. com/ starrecord­sph at Instagram.com/Starmusicp­h.

 ??  ??
 ??  ?? Kim
Kim

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines