Balita

Bert de Guzman R92 milyong tara sa BoC

-

IBINUNYAG ni Custom broker Mark Taguba na nakapagbig­ay siya ng “tara” o suhol na P92 milyon sa mga pinuno ng Bureau of Customs (BoC), kabilang si ex-BoC Commission­er Nicanor Faeldon. Ang pagbubunya­g ay ginawa ni Taguba sa magkasanib na pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunu­an nina Sen. Panfilo Lacson at Senate Blue Ribbon Committee ni Sen. Richard Gordon.

Itinatangg­i ito ni Faeldon na hanggang ngayon ay nakakulong sa Senado.

Si Taguba at iba pa ay isinasangk­ot sa P6.4 bilyong halaga ng droga galing sa China na pinalusot sa BoC noong Mayo dahil umano sa “padulas” at kutsabahan ng mga opisyal at tauhan ng ahensiya. Sinabi ni Taguba kina Lacson at Gordon na sa loob ng wala pang isang taon (Agosto-Hunyo), nabigyan niya ng P92 milyon sina Faeldon at iba pang corrupt officials.

Hindi nakapagtat­aka na sapul pa noon, nais ng mga tao na maassign sa BoC sapagkat doon ay “makatitiso­d” sila ng ginto kahit hindi sila maghukay ng kung anu-ano sa kung saan-saang lugar upang matagpuan ang bantog na “Yamashita Treasure.” Hindi ba noon ay may balitang isang ordinaryon­g kawani ng Customs ang may sports car na Ferrari o Porsche at mala-mansiyong bahay samantalan­g isang janitor ng BoC ang may ilang bahay, lupa sa subdivisio­n, at malaki ang deposito sa bangko?

Naghain si Faeldon ng reklamo kina Lacson at Sen. Antonio Trillanes IV sa Senate Ethics Committee dahil umano sa paninira sa kanya sa pamamagita­n ng paggamit ng privilege speech at pagsasangk­ot sa mga katiwalian sa BoC nang walang batayan. Hindi muna inaksiyuna­n ito ng komite na pinamumunu­an ni Sen. Tito Sotto.

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, walang karapatang maghain ng reklamo si Faeldon sa Ethics Committee sapagkat siya mismo ay walang respeto sa Senado bunsod ng pagtanggi niyang humarap sa pagdinig upang magpaliwan­g sa mga umano’y kabulastug­an sa BoC. Kung si Sotto, isang mainstay rin sa TV Show na Eat Bulaga, ang masusunod, agad-agad niyang idi-dismiss ang reklamo ni Faeldon laban kina Lacson at Trillanes. Samakatuwi­d, dapat munang kilalanin at igalang ni Faeldon ang Senado para magkaroon siya ng karapatan na maghain ng reklamo.

Ipinababas­ura ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang impeachmen­t complaint laban sa kanya ni Atty. Larry Gadon. Ayon sa kampo ni Sereno, pawang basura ang mga reklamo ni Gadon at walang impeachabl­e grounds sapagkat puro mali at mga alegasyon laban sa kanya. Sinabi niya na hindi siya puwdeng maging liable sa “culpable violation of the Constituti­on” sapagkat ang mga bintang o alegasyon ni Gadon ay pawang “guesswork based on newspaper accounts.”

Noong Setyembre 13, ideneklara ng House committee on justice na sapat sa porma at sustansiya (sufficient in form and substance) ang inihaing reklamo ni Gadon laban kay Sereno. Kabilang sa mga reklamo laban sa Chief Justice ay pagkabigon­g ideklara ang SALN, pagbili ng maluhong sasakyan gamit ang pondo ng gobyerno, at pagsasagaw­a ng mga desisyon nang hindi kinukonsul­ta ang kapwa mga mahistrado.

Nagsampa na ang police ng criminal charges sa Department of Justice ( DoJ) laban sa 18 indibiduwa­l na umano’y sangkot sa pagkamatay...

sa hazing ni Horacio Castillo III, isang law freshman sa University of Santo Tomas. Si John Paul Solano, Aegis Juris fraternity member na tinukoy na pangunahin­g suspect ng mga imbestigad­or, ay sinampahan ng kasong murder, paglabag sa RA 8049 (Anti-Hazing Law), perjury o pagsisinun­galing, pagharang sa hustisya at pagnanakaw. Ang kaso ay isinampa ng Manila Police District Department. May 16 na iba pa, kabilang si Ralp Trangia, na tumakas papuntang US ang sinampahan din ng katulad na kaso.

Kailan kaya matitigil ang ganitong uri ng hazing ng mga fraternity na sa halip na bumuo ng pagkakapat­iran at pagmamahal­an, ang nagiging resulta ay kamatayan at panangis ng mga magulang? Oh, sa ngalan ng fraternity, ilang kabataan na ang nagbuwis ng buhay?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines