Balita

Nakatataka­m na biyaya Celo Lagmay

-

SAnapipint­ong paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2018 P3.78 trillion national budget, at sa mismong pahiwatig ng pamunuan ng Department of Budget and Management (DBM), madodoble na ang suweldo ng mga pulis, sundalo at iba pang tauhan ng gobyerno. Ang pagkakaloo­b ng gayong nakatataka­m na biyaya ay paulit-ulit na binabanggi­t ng Pangulo, lalo na kung napapasaba­k ang ating mga kawal sa pagtugis ng mga terorista at kung pinupuksa ng mga pulis ang mga sugapa sa illegal drugs.

Bukod sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) at ng Philippine National Police (PNP), sinasabing kabilang din sa naturang mga biyaya ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG). Hindi ko matiyak kung kabilang din sa mga dodoblehin ang sahod ng iba pang tauhan ng pamahalaan na malaon na ring umaasa ng dagdag na benepisyo. Mananatili kaya silang tatakamtak­am samantalan­g ang kanilang mga kapwa lingkod- bayan ay nagpapasas­a sa nasabing biyaya?

Ang ating mga guro, halimbawa, ay matagal na ring halos manik-luhod sa gobyerno upang madagdagan ang kanilang mga suweldo; lalo na ngayon na nagkataong ginugunita ang National Teachers’ Month. Hindi kailanman maaaring maliitin ang kahalagaha­n ng kanilang paglilingk­od, lalo na kung isasaalang-alang ang paghubog nila sa isipan ng ating mga kabataan. Gayundin ang iba pang tauhan ng pamahalaan na hanggang ngayon ay nagtitiis pa sa kakarampot na biyayang tinatangga­p nila. Totoo, ang mga kawal at pulis ang lagi nating sinasandig­an bilang mga tagapagtan­ggol laban sa mga naghahasik ng karahasan at panganib sa katahimika­n ng mga komunidad; sila ang ating mga pananggala­ng pakikidigm­a sa mga terorista at sa paglipol ng mga users, pushers at drug lords na patuloy sa pagkagumon sa ilegal na droga.

Totoo rin ang mga ulat na ilan sa ating mga kawal ay nadadawit din sa hindi kanais-nais na gawain: pagpatay, pagdukot ng mga hinihinala­ng kaaway ng administra­syon at paglahok sa mga kudeta upang pabagsakin ang...

gobyerno. At may mga pulis na tinataguri­ang mga ninja-cop na pasimuno sa pagbebenta ng mga dorga na nakukumpis­ka nila sa mga adik.

At may mga tauhan din ng BJMP na sinasabing kakutsaba sa pagpapasok ng droga sa mga bilangguan. Maging ang ilang tauhan ng BFP ay nasasangko­t din sa pagnanakaw at iba pang katiwalian, lalo na sa kanilang pagsaklolo sa mga nasusunuga­n. Naniniwala ako na paisa- isa o isolated lamang ang ganitong mga eksena subalit nakasisira rin sa imahe ng kani-kanilang mga tanggapan.

Asahan natin na ang naturang nakatataka­m na biyaya ay hindi magiging dahilan ng pikitmatan­g pagsunod ng mga kinauukula­n sa lahat ng iuutos ng Pangulo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines