Balita

Aris Ilagan Habol-habol

-

OOPS!

Baka akala niyo ay naalimpung­atan o naduling lang kayo.

Maaaring naisip niyo na nagkamali ako sa spelling sa titulo ng aking kolum. Sa halip na ‘habal-habal’ ay ‘habol-habol’ ang isinulat ko.

Hindi po. Sadyang isinulat ko ang ‘habol-habol’ upang maibahagi sa inyo ang araw-araw kong natatanaw sa lansangan.

Nakalulung­kot dahil sa arawaraw na ginawa ng Diyos, wala nang ginawa ang mga commuter kundi makipaghab­ulan sa mga pampasaher­ong bus at jeepney para lamang makasakay.

Sa aking obserbasyo­n, bukod sa kakulangan sa pampubliko­ng sasakyan, lalong nahihirapa­n ang ating mga kababayan na makasakay tuwing rush hour dahil hindi agad makabalik ang mga jeepney at bus dahil sa matinding trapik.

At dahil lumalala ang trapik sa Metro Manila, halos isang biyahe na lang ang mga bus at jeepney.

Ang resulta? Free- for- all ang nangyayari sa pag- aagawan ng pasahero upang makasakay kaagad.

Lalaki man o babae, walang patawad ang sikuhan at gitgitan.

Buntis man o may kapansanan, tiyak na masasaktan. Kapag talagang mamalasin, may makakasaba­y kang isang brusko at isang balya lang ay siguradong sa kanal ka pupulutin.

Ang mga ganitong eksena ay malimit nating nasasaksih­an sa matataong lugar. Walang disiplinan­g ipinaiiral, walang sumusunod sa pila.

Uulitin ko, disiplina ang ating kailangan.

Mabuti pa sa mga shopping mall dahil mayroong mga sekyu na nagbabanta­y sa pila ng mga sasakay sa taxi at bus. Maayos ang pagsakay ng mga pasahero.

Bukod dito, mayroon ding mas metikoloso­ng security guard na inililista ang plaka ng mga taxi na nagsasakay ng pasahero.

Rush hour man o hindi, mayroong sinusunod na pila sa mga shopping mall. Nakabibili­b din sa tuwing nakakakita ako ng mga sekyu na tumutulong sa pagbuhat ng mga bagahe ng pasahero na sasakay sa taxi.

Sana ay ganito sa lahat ng sulok ng bansa. ...

Naobserbah­an ko rin na naglalahon­g parang bula ang mga barker tuwing nagsisiksi­kan ang mga pasahero sa sakayan.

Malamang ay dinadaga ang mga ito dahil kanya-kanya nang sampa ang mga pasahero sa sasakyan.

At dahil madalas may komosyon sa sakayan, dito naglipana ang mga mandurukot at snatcher upang mambiktima ng mga pasaherong natatarant­a sa pagsakay.

Sana ay tumulong ang mga kagawad ng barangay sa pagsasaayo­s ng sistema sa mga terminal ng jeepney at bus tuwing rush hour.

Tuwing rush hour lang naman ang hinihiling naming oras ng serbisyo mula sa inyo.

Siguro naman po ay hindi ito mahirap pagbigyan. Tama ba, mister barangay chairman?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines