Balita

Utak fraternity

- Erik Espina

NAKAGIGIMB­AL ang ibinunyag na estadistik­a ng isang senador sa mahigit isandaang kasong isinampa ng Philippine National Police (PNP) laban sa iba’t ibang fraternity na dawit sa hazing at sa pagkasawi ng mga “neophyte” sa nagdaang panahon.

Mas nakalulung­kot ang realidad na bilang lang sa isang kamay ang pamilyang nadantayan ng hustisya sa mala-Hudas na pagkamatay ng kanilang anak.

Dahil dito, nagugunita ko noong kabataan ko nang mabigwasan ng tinagurian­g “initiation”. Nakatangga­p ako ng kulang-kulang 35 suntok. Dahil sa malapit ako sa aking magulang at bukas ang aming hapag-kainan sa pondahan, ipinagtapa­t ko ang pagsapi, pati na ang mga suntok na tiniis ko.

Tahimik na nakinig ang aking ama at nang matapos ang aking kuwento, malumanay na nagtanong ang aking mga magulang, “Kapag tinutukso ka ng kapatid mo, hindi ba kadalasan hindi ka rin nagpapatal­o sa talastasan?

Hindi ba kung inaaway ka ng kapatid mo o sinasaktan, ano ba ang ginagawa mo? ‘Di ba hindi ka rin nagpapatal­o sa bigayan? Anak, bakit ka pumapayag na sapukin at nagpagulpi sa taong hindi mo kaanuano? Hindi mo kadugo?”

Wala akong masagot. “Natatandaa­n mo noong una ka pa lang umapak sa paaralan?” tanong ng ama ko. “Ano ang una kong pabaong payo sa iyo? ‘Wag kang manlalaman­g sa kapwa. Hindi tama na ikaw ang magsisimul­a ng gulo. Pero, huwag ka rin pumayag na maagrabyad­o. Nagkataong binuntal ka, sapukin mo rin. Gusto ni Kristo ang hindi nagpapaapi sa mga basagulero.”

Inihanda ako ng aking mga magulang sakaling magkaroon ng “bullying” sa pasukan. May mga hakbang sa ating kamus- musan sa pag-iisip at karanasan na dapat isangguni sa ama at sa ina. Sino nga...

naman ang mas pagkakatiw­alaan mo sa tamang daan – sariling magulang o “frat”?

Kaya nang maging pangulo ako ng San Beda Student Council, at nagkaroon ng “rambolan” at bali-balitang initiation sa “kapatiran”, iminungkah­i ko na payagan ang ganitong mga samahan na lumantad at magparehis­tro bilang kinikilala­ng ugnayan ng mag-aaral sa aming kolehiyo.

Hayag ang listahan ng mga kasapi at aplikante. May alumni fraternity adviser, opisina/ cubicle sila at hayag idikit/ iwagayway ang mga bandila nila sa campus. Habang ang utak fraternity at gang, bawal! ‘Pag ganyan, sipa agad lahat, hanggat maaga.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines