Balita

‘The Good Son,’ itinaob ang ‘My Korean Jagiya’

- Ni REGGEE BONOAN

INABANGAN ng televiewer­s ang pilot episode ng The Good Son nitong Lunes pati na ng kasama namin sa bahay na 8:30 PM pa lang ay patulog na. Nagpuyat siya sa programa nina Joshua Garcia, Nash Aguas, McCoy de Leon at Jerome Ponce dahil naintriga siya kung sino ang pumatay sa padre de pamilyang si Victor ( Albert Martinez). Krusyal at mahalaga rin sa kuwento ang roles nina Eula Valdez, Liza Lorena, Mylene Dizon, Louise de los Reyes, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Jeric Raval, Kathleen

Hermosa, Ronnie Lazaro at John Estrada. Naaliw kami sa hulaan ng mga nanonood sa social media kung sino ang lumason kay Victor at prime suspect nila sina Joseph (Joshua) na anak ni Victor kay Racquel (Mylene), Matias (Ronnie), at Obet (McCoy) dahil nga sa bahay nila inatake.

Hirit ng mga kakilala namin, baka raw matagal nang nilalason si Victor pero nang gabing dumalaw lang kina Joshua bumigay kaya may nagsususpe­tsa rin sa kapatid nitong abogado na si Anthony (John). Baka raw may inggit at gusto nitong pamahalaan ang kumpanya Buenavidez na pinaglilin­gkuran din niya.

Hmmm, posible nga, Bossing DMB kahit hindi binanggit ang pangalan ni Anthony sa mga suspect, di ba? Pero makahuluga­n din ang mga tingin ni Joseph habang kumakain ng pansit ang amang si Victor na siya mismo ang naghain. Nabitin sa pilot ang mga nag-abang sa The Good Son gabi-gabi na agad itong inaabangan pagkatapos ng La Luna Sangre. As expected, panalo sa nationwide ratings game ang The Good Son na nakakuha ng 18.1% vs My Korean Jagiya na 10.9% mula sa Kantar Media survey. Mula sa direksiyon nina Andoy Ranay at Emmanuel ‘Manny’ Palo ang naturang serye, handog ng Dreamscape Entertainm­ent.

 ??  ?? Joshua at Albert
Joshua at Albert

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines