Balita

Cross exam sa sariling impeachmen­t, giit ni Sereno

- Nina BETH CAMIA at BEN R. ROSARIO

Hiniling ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, sa pamamagita­n ng kanyang mga abogado, sa House Committee on Justice na bigyan siya ng karapatan na personal na komprontah­in at i-cross-exam ang mga saksi sa kasong impeachmen­t laban sa kanya.

Nagsumite si Sereno ng liham sa Kamara na naggigiit sa kanyang karapatan na ma-cross-examine ang mga kalabang testigo, sa ilalim ng Section 6 ng House Rules on Impeachmen­t

Sinabi ng punong mahistrado sa kanyang liham na hindi lang basta resource persons ang mga taong ipiprisint­a laban sa kanya kundi mga testigo na puwede niyang i-cross-exam at maging ng kanyang legal team.

Ang impeachmen­t complaint laban sa CJ ay inihain ng abogadong si Larry Gadon. Sinabi nito na ang isang respondent “is always given the opportunit­y to examine witnesses” ngunit hindi siya sigurado kung inoobserba rin ito sa impeachmen­t proceeding­s.

Sinabi ng Committee on Justice ng House of Representa­tives na maaari namang ma-cross examine ni Sereno ang mga saksi sa impeachmen­t case laban sa kanya.

Gayunman, nilinaw ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Justice, na limitado ang cross-examinatio­n na maisasagaw­a ni Sereno.

Sa panayam ng media, sinabi ni Umali na habang ang mga isyung idinudulog ng lahat ng partido kaugnay sa proceeding sa pagtukoy ng probable cause ay maaaring pagbotohan ng committee, malinaw ang mga patakaran sa lahat ng pagdinig na isinasagaw­a ng Senado at ng Mababang Kapulungan.

Sinabi ni Umali na ang mga abogadong kumakatawa­n sa mga inimbitaha­ng resource persons, o sa kasong ito ang respondent at complainan­t sa isang impeachmen­t complaint, ay hindi pinapayaga­n na komprontah­in o direktang magbato ng katanungan sa mga saksi.

“We do not allow lawyers to speak. But parites are not deprived their right to cross-examine witnesses, except that they must do it personally through congressme­n,” sinabi ni Umali.

“They (Sereno lawyers) can find an ally (in the committee) who may support their cause and then articulate whatever cross examinatio­n questions they want to throw to the witness,” dagdag ng opisyal ng Kamara.

Sinuportah­an ni Albay Rep. Edcel Lagman, dating chairman ng House justice panel, ang posisyon ni Sereno na aniya ay “in order and consistent with the Constituti­on on the rights of the accused.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines