Balita

Plunder vs Gordon ikinakasa ni Trillanes

- Leonel M. Abasola at Mario B. Casayuran

Isusulong ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagpapatal­sik kay Senate President Aqulino Pimentel III kapag hindi nito palitan si Senador Richard Gordon bilang chairman ng Senate blue ribbon committee.

Ayon kay Trillanes, pinayagan ni Pimentel si Gordon na proteksiyu­nan si Pangulong Duterte at ang pamilya nito kaugnay ng umano’y extrajudic­ial killings at smuggling sa Bureau of Customs (BoC).

“I will put the responsibi­lity kay Senator Koko Pimentel kapag hindi nila tinanggal si Senator Gordon… Kumbaga I am working very hard para mapalitan si Senator Pimentel, not because of Senator Pimentel per se but because of Senator Gordon,” ani Trillanes. PLUNDER VS GORDON Nagbanta rin si Trillanes na sasampahan niya ng plunder case si Gordon kaugnay ng pamumuno nito sa Philippine Red Cross.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Trillanes na unti- unti nang umuusad ang kanyang mga reklamo laban kay Pangulong Duterte matapos kumpirmahi­n ng Office of the Ombudsman na ang mga dokumenton­g isinumite sa kanila ng Anti-Money Laundering Council ( AMLC) tungkol sa mga bank account ng Pangulo ay “more or less” katulad ng kanyang mga inilantad sa publiko.

WALA SA PLANO Siniguro naman kahapon ng Senate minority group na walang plano na alisin sa puwesto si Pimentel, pagtitiyak kahapon ni Sen. Francis “Kiko’’ Pangilinan.

Ito ang ipinahayag ni Pangilinan matapos magprotest­a ang pitong senador,kabilangsi­Pimentel,saSenado nitong Miyerkules sa inilarawan ng isa sa kanila na “prostitusy­on” ng Senate resolution na hindi nila nilagdaan at humiling sa gobyerno na itigil ang umano’y extrajudic­ial killings (EJKs) sa Pilipinas, lalo na sa mga hanay ng kabataan.

Si Pangilinan ang presidente ng Liberal Party (LP) na ang mga miyembro ay sina Senators Franklin Drilon, Bam Aquino IV, Ralph Recto, at Leila de Lima. Suportado rin nina Trillanes at Sen. Risa Hontiveros ang LP.

Sa nasabing resolusyon, na pirmado ng 16 na senador, sa pangunguna nina Pangilinan at Drilon, hinihikaya­t ang gobyerno na gawin ang mahahalaga­ng hakbang upang matuldukan ang patayan, lalo na sa mga bata.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines