Kampanya sa migrante inilunsad nina Pope Francis at Cardinal Tagle

Balita - - Balita -

VATICAN ( AFP) – Hinimok ni Pope Francis nitong Miyerkules ang mga tao sa buong mundo na maging bukas sa pagtanggap sa mga migrante, sa paglulunsad ng “Share the Journey”, ang kampanya sa pandarayuhan ng Catholic charity na Caritas.

“With open arms … that is exactly how to welcome (migrants), with arms wide open,” sinabi ni Francis sa kanyang weekly audience sa St. Peter’s square.

Idinagdag ng papa, isa ring anak ng Italian emigrants sa Argentina, na: “Hope is what drives the hearts of those who depart. It is also what drives the hearts of those who welcome: the desire to meet each other, get to know each other, to dialogue.”

Layunin ng dalawang taong kampanya ng Caritas na baguhin ang pagtingin ng mga tao sa mga migrante at refugees, sa pamamagitan ng ‘reach out’ gesture na ipinakita ni Francis nitong Miyerkules sa sentro ng kanyang awareness campaign.

Sinabi ng Pilipino na si Cardinal Luis Antonio Tagle, pangulo ng Caritas Internationalis, na ang idea ay, “if we bond with refugees and migrants, we will break down the barriers with which some are trying to separate us.

“The campaign reaches out to recognize, restore and share our common humanity.”

Ang Caritas ay mayroong mga pambansang sangay sa mahigit 160 bansa at ang kampanya ay sinusuportahan din ng iba pang charities, ng food and refugee agencies ng United Nations at International Organisation for Migration.

(Reuters)

Cardinal Tagle at Pope Francis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.