Balita

6,000 Saudi OFWs dapat kumuha ng amnesty

- Samuel P. Medenilla

Umapela ang gobyerno sa natitirang 6,000 Pilipino na may irregular status sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) na samantalah­in na ang panibagong extended amnesty program ng bansang Arab.

Binanggit ang ulat ng Philippine Embassy sa KSA, sinabi ng Philippine Overseas Employment Administra­tion ( POEA) na mayroon na lamang hanggang Oktubre 15, 2017 ang mga kwalipikad­ong Pinoy para mag-apply sa provisiona­l extension ng amnestiya.

Sakop ng amnesty program ang mga sumusunod na migrants categories: may hawak ng expired na umrah, hajj visit visa; pilgrim na walang hajj permit; mga tumawid sa kaharian nang walang permit; residents na pumaso na ang resident ID card (Iqama); manggagawa na may work permit ngunit walang Iqama; manggagawa na idineklara­ng absconding ( huroob) ng kanilang employers/sponsors.

Ang mga kwalipikad­ong Pinoy ay maaaring magsumite ng amnesty applicatio­n sa Saudi Immigratio­n (Jawasat).

“The Jawasat Processing Center in Riyadh is located at 7516 Zaid IbnThabit Al Malaz, Riyadh. The Center is open from 7:30 am to 2 pm only,” saad sa pahayag ng POEA.

Nagbabala ang POEA sa irregular OFWs, na hindi makakapag-apply sa programa bago ang deadline, na mahaharap sila sa pag- aresto, pagkakulon­g, at magbabayad ng multa sa Saudi government.

Ito na ang ikalawang pagkakatao­n na pinalawig ng gobyerno ng Saudi ang amnesty program nito, na nagsimula noong Marso 2017 at nakatakda sanang magtapos nitong Mayo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines