Balita

4 na pekeng traffic enforcer tiklo

- Mary Ann Santiago

Apat pang pekeng traffic enforcer na sinasabing nangongoto­ng sa mga truck driver ang inaresto ng mga operatiba ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Pinuri naman ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang MTPB, sa pangunguna ni Dennis Alcoreza, sa matagumpay nitong pag-aresto kina Benjamin Baliuag, 33; Edard Canares, 32, Demetrio Cruz, at isang hindi pa nakikilala­ng suspek.

Nakatakas naman at kasalukuya­ng tinutugis ng awtoridad ang ikalimang suspek na kinilalang si Rogelio Balatbat.

“IcommendMT­PBforthiss­uccessful operation. My strict instructio­n to them is very clear: get rid of these thugs and extortioni­sts tarnishing the image of MTPB and of the city. No let-up,” pahayag ni Estrada.

Nag-ugat ang pag-aresto sa mga suspek sa reklamo ng biktimang si Herson Bulag.

Ayon kay Bulag, minamaneho niya ang kanyang truck sa Taft Avenue, malapit sa kanto ng UN Avenue, nang parahin siya ng inakala niyang mga traffic enforcer dahil sa umano’y paglabag sa truck ban.

Aniya, hiningan siya ng mga suspek ng P1,000 at kung hindi siya magbibigay ay patung-patong na traffic violation ang isasampa laban sa kanya. Humingi ng paumanhin si Bulag sa mga suspek dahil P500 lamang ang kanyang naiabot.

Lingid sa mga suspek, may MTPB team na nagmamatya­g sa ‘di kalayuan.

Ang tatlo ay dating traffic enforcer ng MTPB noong nakaraang administra­syon, kinumpirma ni Alcoreza.

Nabatid na si Cruz ay naaresto sa hiwalay na operasyon.

Nahaharap ang mga suspek, kabilang si Balatbat, sa kasong robbery with intimidati­on (extortion) at usurpation of authority na may kaukulang piyansa na P120,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines