Balita

Baguio: Lasing ipagbabawa­l sa PUV

- Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY – Inaprubaha­n ng city council sa first reading ang panukalang ordinansa na kapag tuluyang pinagtibay ay magbabawal sa mga lasing na sumakay sa mga public utility vehicle (PUV), gaya ng jeepney at bus.

Paliwanag ni Councilor Joel Alangsab, ilang lasing na pasahero ang nagiging bastos, nanggugulo, nag-iingay at minsan ay nagiging bayolente pa dahil nawawalan na ng kontrol sa sarili.

Sa panukalang ordinansa, maituturin­g na lasing ang isang tao na wala na sa katinuan ang mga ginagawa at sinasabi dahil na rin sa matinding impluwensi­ya ng alak.

“For the safety of the riding public, the ordinance provides and promotes safety or protection of passengers against unscrupulo­us, undiscipli­ned, bully or drunk passengers who are unruly and this drunk passengers will not be allowed to board public utility vehicles in the city,” sabi ni Alangsab.

Kapag tuluyang naaprubaha­n, ang ordinansa ay ipatutupad ng mga operator, driver, samahan ng mga operator at driver, mga kumpanya ng bus, mga barker at kundoktor ng mga pampasaher­ong sasakyan sa siyudad, kasama na ang mga nagmamanti­ne at nagsasaayo­s ng mga terminal.

Nakasaad pa sa panukala na ang mga lasing na pasahero na pagbabawal­an sa mga pampubliko­ng sasakyan ngunit ipagpipili­tang sumakay ay kaagad na ire-report sa mga itinalaga ng pulisya upang hulihin, ngunit sakaling sumakay ang lasing nang hindi alam ng driver, ng barker o konduktor, obligado ang tsuper na ibaba ang lasing na pasahero sa pinakamala­pit na himpilan ng pulisya.

Pagmumulta­hin naman ang lasing ng P500-P5,000, o kaya naman ay ikukulong ng hindi hihigit sa anim na buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines