Balita

Ang Right to Informatio­n, FOI, at ang Data Privacy Act

-

MAHIGIT isang taon na ang nakalipas nang lagdaan ang Executive Order No. 2, o ang Right to Informatio­n. Gayunman, hindi pa rin naipapasa ng Kongreso ang Freedom of Informatio­n (FOI) Bill. Ano nga ba ang nauunawaan ng publiko at ng mga ahensiya ng gobyerno sa FOI at sa Right to Informatio­n?

Matatandaa­ng Hulyo 2016 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 2, “Operationa­lizing in the Executive Branch of the People’s Constituti­onal Right to Informatio­n and the State Policies to Full Public Disclosure and Transparen­cy in the Public Service and Providing Guidelines Therefore”.

Nitong Miyerkules, nag-organisa ng workshop ang Presidenti­al Communicat­ions Operations Office at ang “Right to Know. Right Now! Coalition” upang talakayin at bigyang linaw ang ilang usapin sa FOI, at magpahayag na rin ng kani-kanilang kuro-kuro kaugnay ng estado at planong pagpapatup­ad nito. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Halimbawa, may karapatan ang publiko na hilingin at makita ang SALN o Statement of Assets, Liabilitie­s and Networth ng mga opisyal ng gobyerno. Ngunit hanggang saan nga ba ang maaaring idetalye sa publiko? Paano matitiyak na hindi nalalabag ang Right to Privacy o ang Data Privacy Act?

Ayon kay Presidenti­al Communicat­ions Operations Office Assistant Secretary Kristian Ablan, ito ang pangunahin­g pangamba ng mga opisyal ng pamahalaan sa paglalabas ng kani-kanilang SALN o mga Personal Data Sheet. Kailangang pagsama-samahin ang pitong SALN repository agency sa bansa, aniya. Karamihan sa mga ahensiyang ito, aniya, ay nag-redact—o nagkubli ng impormasyo­n sa pagtatakip dito—ng mga pangalan ng mga anak nilang menor de edad, gayundin ang address ng opisyal. Paano naman ang iba?

Kaya naman, ayon kay Ablan, hiniling ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office ang tulong ni National Privacy Commission­er Raymond Liboro upang magtakda ng mga panuntunan sa usapin.

Ayon sa National Privacy Commission, dapat na wastong magkaugnay ang Right to Informatio­n at Data Privacy Act.

Sa isang pahayag kamakailan, sinabi ni Liboro na hindi layunin ng Data Privacy Act na pagbawalan ang access sa mga personal na impormasyo­n, kung hindi isulong ang responsabl­e at naaayon sa batas na paggamit sa mga personal na impormasyo­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines